Quizbee Competition Day
Subrang aga kong nagising dahil excited ako at the same time kinakabahan, sinoot ko ang sweater ni Axel at naka high waist jeans, Hindi ko pa kase nababalik ito.
Habang nag aayos ako ay tumunog ang selpon ko, at ng mabasa ko ito napangiti ako ng kahit papano naibsan lahat ng kaba ko.
[Vryn]
5:52am
:Good morning lady
:Did you sleep well?
:Eat before you go ha
:I'll wait for you:)
:Take care goddess:)
5:59am
Goodmorning:[me]
Yes pero kinakabahan haha:[me]
I'll be there for a minute:[me]
sᴇɴᴛ
Kinakabahan ako at the same time nagagalak kase kasama ko si Axel, ewan ko ba kong ano nato pero ang saya saya ko pag kasama ko sya, nakakalimutan ko ang mga problema ko, may gusto bako sakanya? hayst nevermind.
Umalis nako ng bahay at dumiretso sa school doon daw kase kami mag meet sabi ng head officer.
Cavite Coastal University
Pagdating ko ay si ma'am Sanchez ang sumalubong saakin.
"Goodmorning ma'am" ngiting bati ko sakanya at hinawakan nya ako sa shoulder.
"Magandang araw iha hali kana naghihintay na sila roon aalis na tayo maya maya" ani nya at naglakad na kami patungo sa opisina nila.
Naroon si Hayacent sya kase ang presidente sa aming klase kaya kailangan nyang sumama, agad ko namang napansin si Axel na naka upo, na nakasandal sa pader,nakapikit ito, natutulog ata, may hinihintay nalang kaming mga guro bago umalis.
Napaupo ako sa tabi ni Axel at pinagmasdan sya, grabe kahit tulog sya ang gwapo nya parin.
"wala ka man lang reaction" bulong ko sakanya at napalaki ang mata ko nang bigla syang namulat.
Nang makita nyako ay bigla syang ngumiti, "Goodmorning" ani nya ng ipinantay ang mukha saakin.
"M-morning" utal kong sabi at tumalikod ako sakanya para makinig sa sinasabi ng guro.
Umupo si Hayacent sa tabi ko at binulongan ako, "May kayo ba ni Axel?" napalaki ang ko at nahampas ko sya ng mahina dahil doon.
"Hindi ah, never akong magkakagusto sa isang lalaki" I whispered.
"Haynako bahala ka ha, pero bagay kayo ayieee" kilig na pasabi nya at inihampas ako ng mahina na syang ikinakunot ng noo ko.
Hindi ko nalang sya pinansin dahil maya maya ay umalis na kami.
Van ang sinakyan namin, at magkatabi kaming tatlo, si Hayacent sa may bintana, sa gitna ako at sa gilid ko ay si Axel.
Medyo mahaba ang baye namin ngayon dahil Batangas yun pero 1pm panaman ang start kaya oks narin.
Habang nagbabyahe kami ay nakakaramdam ako ng antok, tulog na kase si Hayacent at nakasandal sya sa balikat ko, si Axel naman ay naka airpods.