CHAPTER 11

2 0 0
                                    

Habang binubuksan ko ang paper bag, hindi ko mapigilan ang pagngiti. Ang puso ko ay bumilis, para bang may mga paro paro sa tiyan ko. Ito ba 'yung sinasabi nilang butterflies in my stomach? Hindi ko mawari kung bakit, pero may kakaibang kilig na sumasabay sa bawat pagbukas ko.

Pagbukas ko ng paper bag, bumungad agad ang iba't ibang klase ng chocolates, Ferrero Rocher, Toblerone, Cadbury, at paborito kong Hershey’s. Napangiti ako. Hindi naman kami ganoon ka close ni Axel, pero bakit nagbibigay sya nito?

Habang inilalabas ko ang chocolates, ramdam ko ang init ng effort niya. Nagtataka man ako, hindi ko maitanggi ang tuwa na nararamdaman ko. Sumunod kong hinugot ang isang cream colored na Teddy Bear. Pinindot ko ito, at biglang nagliwanag. Napangiti ako ng malaki. Ito ‘yung Teddy Bear na madalas kong tinititigan sa mall!

Hindi ko akalain na makikita ko ito ngayon, lalo na mula kay Axel. Hinawakan ko ito ng mahigpit at niyakap. Parang may kakaibang comfort na dala ang simpleng laruan. Napapaisip ako, Ano kaya ang nag udyok sakanya para magbigay nito?

Pagkatapos ng Teddy Bear, ang natitira na lang ay isang maliit na brown envelope. Sa likod nito, may nakasulat:

"𝐻𝑎𝑣𝑒 𝑎 𝑔𝑟𝑒𝑎𝑡 𝑒𝑣𝑒𝑛𝑖𝑛𝑔, 𝑃𝑟𝑖𝑛𝑐𝑒𝑠𝑠."

Napatigil ako sandali. Princess? Bakit parang ang sweet niya? Sa kabila ng pagkagulat, napapangiti ako. Dahan dahan kong binuksan ang envelope. Nandoon ang isang maliit na booklet, tatlong pahina lang.

Sa unang pahina, bumungad ang isang vintage style na stolen picture ko habang nakaupo sa bench, nagbabasa ng libro. Pinalamutian ito ng dried rose petals. Sa ilalim ng larawan, nakasulat:

"Sa tahimik na sulok, natagpuan kita,
Sa pagitan ng pahina ng libro, ang ganda."

Hinaplos ko ang larawan, hindi makapaniwala sa effort na binigay niya. May kung anong init ang dumaloy sa puso ko. Bakit ba sya naglalaan ng oras para dito?

Sa pangalawang pahina, nakita ko ang litrato ko noong  paslit pa ako. Napatawa ako nang mahina. Saan kaya niya ito nakuha? Sa gilid ng litrato, may dried petals ulit, at sa ibaba, nakasulat:

"Ang ganda mo noon, at hanggang ngayon, hindi ito nagbago."

Natuwa ang puso ko nang mabasa ko ito, may nakaka appreciate pa pala ng ganda ko? Hindi ko maitago ang kilig na nararamdaman ko, abot tenga ang pagngiti ko sa mga oras na ito.

Sa huling pahina, naroon ang maayos na cursive na sulat kamay. Hindi ako makapaniwalang nag cursive pa talaga sya para pangitiin ako ngayon. Binasa ko ito nang dahan dahan:

"𝑆𝑎 𝑡𝑎ℎ𝑖𝑚𝑖𝑘 𝑛𝑎 𝑔𝑎𝑏𝑖,
𝑆𝑎 𝑖𝑙𝑎𝑙𝑖𝑚 𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑔𝑙𝑖𝑙𝑖𝑦𝑎𝑏 𝑛𝑎 𝑏𝑢𝑤𝑎𝑛,
𝐼𝑛𝑖𝑖𝑠𝑖𝑝 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑛𝑔𝑖𝑡𝑖 𝑚𝑜,
𝑃𝑎𝑟𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑖𝑡𝑢𝑖𝑛 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑑𝑖𝑙𝑖𝑚 𝑛𝑎 𝑘𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔𝑖𝑡𝑎𝑛."

Napatitig ako sa mga linya, naglalakbay ang isip ko sa bawat salitang kanyang isinulat. Parang may iniwang marka sa puso ko. Hinawakan ko ang booklet, pinakiramdaman ang bigat ng bawat salitang isinulat niya.

Napangiti ako, hindi dahil sa chocolates o sa Teddy Bear, kundi dahil sa effort na binigay niya para pasayahin ako. Axel... bakit ka ganito? Hindi tayo close, pero bakit parang kilala mo ako sa mga simpleng bagay na ito?

Hawak ko pa rin ang Teddy Bear at booklet, hindi mapigilan ang kilig. Naramdaman ko ang sincerity sa bawat detalye ng regalo niya. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito, pero ang isang bagay ay sigurado na touch ako nang sobra.

When We Meet Again ( Empresarios Gavrez #1) Where stories live. Discover now