Pagkatapos ng mahabang araw, napabagsak ako sa sofa ng bahay. Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa—pagod na pagod, wala nang lakas. Tahimik ang gabi, at nakapikit na ako, sinusubukang magpahinga kahit saglit.
Pero biglang tumunog ang cellphone ko. Sa gulat, napatingin ako sa screen. Pangalan niya ang naka-display—Axelion. Napakunot ang noo ko. Bakit ngayon lang?
Ilang buwan na siyang hindi nagpaparamdam, tapos ngayon lang tatawag? Pinatay ko ang tawag, ayoko siyang kausapin. Paulit-ulit siyang tumatawag, pero wala akong balak sagutin. Sa inis ko, bumulong pa ako sa sarili, "Ano siya, sinuswerte?"
Ilang missed calls ang dumaan. Isa, dalawa… hindi ko na mabilang. Nakatulog na rin ako sa sobrang pagod, iniwan ko siyang walang sagot.
Makalipas ang ilang oras, nagising ako dahil muli na namang tumunog ang cellphone ko. Nagpunas ako ng mata at kinuha ang phone. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita: 27 missed calls. Ano ba 'tong taong 'to?
Binuksan ko ang mga messages niya. Paulit-ulit ang laman:
"Lyanna, pick up."
"I need to talk to you."
"I'm sorry. Please answer me."Napahinga ako ng malalim, pilit na pinapakalma ang sarili. Lumabas ako ng kwarto, bumalik sa sala, at binuksan ang laptop. Kung makikipag-usap ako, mas gusto ko nang makita siya.
Habang binubuksan ang laptop, kinarga ko ang teddy bear na binigay niya noong anniversary namin. "Lily," bulong ko sa stuffed toy, "bakit ba ang kulit ng daddy mo? Two months siyang nawala, tapos ngayon biglang tatawag? Ano ‘to, libre na ulit siya?" Napabuntong-hininga ako at tumingin sa screen. Dumating na ang tawag niya sa laptop.
Nanginginig ang daliri ko habang hover sa "accept" button. Sasagutin ko ba? Napapikit ako, pinag-iisipan kung ano ang dapat gawin. Sa huli, napindot ko rin ang accept.
Lumabas agad ang mukha niya sa screen, seryoso pero halatang pagod. "Yana, finally," sabi niya. "Do you know how worried I was? Hindi ka sumasagot sa 27 calls ko." May halo pang galit at pag-aalala ang boses niya.
"Ikaw pa ang galit?" sagot ko, sinimulan agad ang diskusyon. "Sino ba ang nawala ng dalawang buwan tapos magpaparamdam bigla?" Nakataas ang kilay ko, sinubukang hindi ipakita na kahit papaano, namiss ko rin siya.
Napahilot siya sa sentido niya. "Lya, let me explain."
"Explain?" Natawa ako nang mapait. "Ano pang ie-explain mo? Kung hindi ko pa binuksan 'tong laptop ko, baka naka-50 missed calls ka na ngayon."
"I was busy—"
"Busy?" putol ko. "For two months, Axel? Ni isang text wala? Ano bang iniisip mo? Ano ‘ko, spare tire?"
Sumandal siya sa upuan at napatingin sa likod ng camera niya. "I messed up, okay? Alam ko ‘yon. Kaya nga tumatawag ako ngayon para mag-sorry. Hindi ko intensyon na mawala ng ganito katagal. I was... handling things."
Tahimik akong nakatingin sa screen. Gusto ko pa rin siyang batikusin, pero nakikita ko sa mga mata niya na nagsisisi siya.
Biglang sumingit ang boses ng isang lalaki sa background. "Bro, sabi ko na nga ba galit siya sa’yo."
Napakunot ang noo ko. "Sino ‘yun?" tanong ko, at sinubukang silipin ang nasa likod ng screen niya.
Napabuntong-hininga si Axel at inikot ang camera. Tumambad sa akin si Aurel, ang kakambal niya, may hawak na tasa ng kape.
"Aurel?" Napataas ang boses ko. "Bakit nandiyan ka?"
Tumawa si Aurel at umupo sa tabi ni Axel. "Kamusta ka, Lyanna? Alam kong na-miss mo rin kami."
"Excuse me? Ako ang hindi tumatawag? Si Axel kaya ang nawala—" pero napahinto ako nang ngumiti si Aurel nang maloko.
"Relax lang, sis," sabi ni Aurel. "Ako ang tagapamagitan niyo tonight. Axel, bro, ikaw na magpaliwanag. Ayoko nang madamay sa away niyo."
Napansin kong parang nag-aalangan si Axel, pero napabuntong-hininga rin siya. "Lya," sabi niya, "there’s a reason kung bakit hindi ako nakapagparamdam. I wasn’t ignoring you."
"Then what were you doing?" tanong ko, sinusubukang huwag maapektuhan ng sinseridad sa boses niya. "Anong klaseng ‘things’ ang kailangan mong asikasuhin na hindi mo ako kayang i-update kahit minsan lang?"
Napatingin si Axel kay Aurel, tila humihingi ng tulong. Pero umiling lang ang kapatid niya, iniwan siyang mag-isa sa sagot.
"I was helping with the family business," sabi ni Axel, finally breaking the silence. "Nasa transition phase na kami ni Dad, and he wanted me to take the lead on some major deals. Pero alam kong hindi ito excuse para kalimutan kita. I should’ve reached out sooner."
Nagpipigil pa rin ako ng emosyon, pero unti-unti nang lumalambot ang puso ko. "Hindi mo nga dapat akong iniwan sa ere, Axel. You could’ve sent even one text."
"I know," sagot niya, at napayuko siya. "That’s why I’m here now. I miss you, Lya. I missed you every single day."
Tahimik ulit ako, hindi alam kung ano ang sasabihin. Pero bago pa ako makapagsalita, biglang sumingit ulit si Aurel. "O, kita mo na, bro? Sabi ko sa’yo, isang sorry lang ang katapat niyan."
Napailing ako, pero natawa na rin. "Ang kapal talaga ng triplets na ‘to," sabi ko.
Biglang dumaan pa ang isa pang boses sa background. "Guys, you’re too loud," sabi ni Calyx, ang pangatlo nilang triplet, na lumapit sa kanila. "Lyanna, if Axel’s being a mess, just let us know. Kami bahala sa kanya."
Ngayon, hindi ko na napigilang tumawa nang malakas. "You three are impossible," sabi ko.
"Sorry na oh" Axel pleaded "Please... "
I rolled my eyes, "Fine." he just smiled.
Our conversation continues that night, I'm so relieved that he calls me.
Masaya ang paggising ko ngayong araw na ito, parang napawi lahat ng pagod ko dahil kay Axel, ang gwapo ba naman, "hey lyanna stop thinking that, iw" bulong ko sa sarili ko.
Napatingin ako sa Teddy Bear sa tabi ko
AUTHOR: sorry guys ngayon lang, mag eexam na kase kaya sufeer busy these days, loveyah!