Morning
Nagising ako sa pakiramdam ng kawalan sa tabi ko. Pagmulat ng aking mga mata, tanging init ng araw ang bumati sa akin. Tumagos ang liwanag sa bintana, na bahagyang binuksan. Bagaman may patak ng ulan sa labas, hindi na gaanong malamig. Sigurado akong si Axel ang bumukas ng bintana, hindi ko kase ugali iyon. Hindi ko maiwasang mapaisip kung bakit siya biglang nawala.
Napa upo ako sa kama, pinunasan ang aking mga mata upang alisin ang namuong muta. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Hayacent.
Calling...
"Oh, Lyanna!" masiglang bungad niya sa video call. Ang background ng kanyang kwarto ay tila mas payapa kaysa sa labas, kung saan ang ulan ay maririnig pa rin.
"Hayacent, maulan ngayon. May pasok ba?" tanong ko habang hinihintay ang kanyang sagot.
"Nag announce na ang mayor," sagot niya. "Wala raw. May paparating na bagyo kaya posibleng lumakas pa ang ulan."
"Ah, ganon ba..." Napatingin ako sa bintana, ang ulan ay naglalaro sa mga dahon sa labas. "Nasaan ka ngayon?"
"Bahay lang. Ikaw ba? May kasama ka diyan?" tanong niya nang may pag aalala sa kanyang tono.
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, at pumasok si Axel na may dalang tray ng pagkain. Napaangat ang kilay ko sa gulat. Umupo siya sa tabi ko, inilapag ang tray at bumulong sa akin, "Breakfast, princess."
Napangiti ako, ngunit pinilit kong pigilan ang ngiti ko dahil nasa tawag pa ako kay Hayacent. Sa tray ay may fried spam, itlog, at kanin.
"Ah... wala. Ako lang mag isa rito," sagot ko kay Hayacent, na may halong pag aalinlangan.
Hindi ako makatingin ng diretso sa screen. Si Axel naman ay ngumiti ng may kapilyuhan. Kinuha niya ang kutsara, pinuno ito ng kanin at spam, at akmang isinubo sa akin. Napakunot ang noo ko. Bakit ba niya ginagawa ito ngayon? Sinubukan kong iwasan, ngunit makulit siya.
"Very good," bulong niya matapos kong mapilitang ibuka ang bibig para matapos na ang kalokohan niya. Ang sarap ng pagkain, pero mas masarap ang presensya niya.
Nagpatuloy si Hayacent, "Punta ako diyan, samahan kita." Halos mabitawan ko ang cellphone sa narinig.
Nabulunan ako, ngunit mabilis na pinainom ako ng tubig ni Axel. Nakatingin siya sa akin na parang natutuwa sa eksena. "Wag," sabi ko agad matapos mawala ang bara sa lalamunan ko. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, puno ng kaba at takot na baka mahuli kami.
"Bakit naman?" tanong ni Hayacent na may halong pag aalala.
"M-maulan kasi, di ba?" sagot ko na halatang nagpapalusot.
Si Axel naman ay nag chuchuckle lang, ngumiti habang nag aabang sa aking susunod na galaw. Tila aliw na aliw siya sa pagkukunwari ko. "Sige, ikaw bahala," sabi ni Hayacent bago kami nagpaalam sa isa’t isa.
Pagkababa ng tawag, nagbuntong hininga ako. Napatingin ako kay Axel na nag aabang lang sa bawat galaw ko.
"Hindi ka talaga natatakot na mahuli tayo?" tanong ko sa kanya, boses ko'y bahagyang nanginginig.
"Nasa harap mo na ang breakfast mo. Wag ka nang mag alala, just eat," sagot niya, may pilyong ngiti sa kanyang labi.
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa ganitong punto. Kinuha ko ang kutsara at nagpatuloy sa pagkain habang si Axel ay nag oobserba lang, tila nasisiyahan sa aking presensya. Sa labas, patuloy ang pag ulan.
Pagkatapos kong kumain ng ilang sandali, natapos na rin ako. Habang nagliligpit ng pinagkainan, napansin kong nakatitig lang si Axel sa akin. Tahimik siya, pero ang mga mata niya ay punong puno ng kislap, parang may sinasabi na hindi niya maibulalas.