[Morning]
Pagkatapos ng gabing iyon, nagising ako na masakit pa rin ang ulo, hangover siguro. Habang nakahiga, pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi. Nagpunta kami ni Hayacent sa isang gathering, at sa pagdaan ng oras, napadami ang nainom kong wine. Hindi ko maalala ang bawat detalye, pero may isang eksena na paulit-ulit na bumabalik sa isip ko.
Bumangon ako at naglakad papunta sa banyo. Nang tumapat ako sa salamin, napansin ko agad ang marka sa leeg ko isang hickey. Napabuntong hininga ako at napamura nang mahina, "Shit, patay ako kay Dad nito." Alam kong siguradong magagalit siya kapag nakita niya ito, kaya’t kailangan kong gumawa ng paraan para maitago.
Dali dali akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng banyo, umupo ako sa harap ng salamin at sinubukang takpan ang hickey gamit ang foundation. Pero habang pinagtatakpan ko ito, bumabalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Nagbalik ang mga alaala ng mga mata ni Axel na nakatingin sa akin, ang lambot ng kamay niya habang hinahawakan ako, at... ang halik. Oo, hinalikan niya ako kagabi, at hinayaan ko lang. Ang huling alaala ko bago magdilim ang paligid ay ang mga labi niyang dahan dahang bumaba mula sa aking pisngi papunta sa leeg.
Nang matakpan ko na ang hickey, inayos ko ang sarili ko para bumaba sa dining room.
"Good morning, apo! Kamusta ang tulog mo?" bati ni Lola habang nagluluto ng almusal.
"Okay naman po, Lola," sagot ko, pilit na ngumiti kahit na nararamdaman ko pa rin ang sakit ng ulo ko.
"Napasalamatan mo na ba si Axel sa paghatid sa'yo kagabi?" tanong niya, may ngiti sa kanyang mga mata.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Paanong kilala niya si Axel? "Ha? What do you mean, Lola? And... sino si Axel?" kunot noo kong tanong.
Ngumiti lang si Lola. "Sya yung naghatid sa'yo kagabi. Napakabait na bata. Mabuti na lang at nandiyan siya."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Nagpasundo po ako kagabi, di ba?"
“Eh, wala naman dito si Carl kagabi kaya si Axel ang nagpresinta na ihatid ka na lang. Kung hindi nga siya dumating, baka kung sino na ang naghatid sa'yo.”
Halos malaglag ang panga ko. Nangyari ba talaga iyon? Pinilit kong alalahanin, pero may mga bahagi ng alaala ko na malabo. Malinaw lang sa akin ang mga sandaling magkalapit kami ni Axel, ang bigat ng mga tingin niya, at ang halik na ipinagkaloob niya sa akin.
Nagpatuloy ako sa pag aalmusal habang iniisip ang lahat ng ito. Parang may parte ng gabing iyon na hindi ko pa rin lubos maintindihan. Pero ang alam ko lang, may nangyari. At kahit gustuhin ko mang kalimutan, hindi ko maalis ang bakas na iniwan niya sa leeg ko bilang paalala.
Habang tahimik akong kumakain, tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, may mensahe mula kay Axel.
[Vryn]
8:43am
:Good morning, Lyanna. I hope okay ka na ngayon.
:Pasensya na rin sa nangyari kagabi, baka nagulat ka.
Pakiramdam ko ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nagdadalawang-isip akong sagutin, pero sa bandang huli, sumagot ako ng,Good morning din. Medyo masakit pa ulo ko, pero okay lang.:[me]
Umm about kagabi:[me]
can you tell me kung ano talaga nangyari?:[me]
Ilang minuto ang lumipas bago siya sumagot. Nagtataka ako kung bakit parang kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung natatakot ba akong malaman ang totoo, o curious lang talaga ako sa kanyang magiging sagot.