CHAPTER 4

5 0 0
                                    

Intramurals

Ngayon gaganapin ang intramurals ng university namin grabe parang kailan lang simula nong nag transfer ako dito.

Green Team kami kase mga green flag eme, naging mas kilala ko si Axel these days kase kinikwentuhan ako ni Hayacent pero wala kaming interaction ng lalaking yon, almost week  kase silang umalis para irepresent ang university namin sa ibang lugar, hindi ako sumali non kase nagkasakit ako, sayang antalino ko pa naman haha eme, sports yon.

Papasok nako ng school may dalang puting tote bag, naka green na bench tshirt, black na highwaist trouser at naka loose stripe button down na dark green, yung stripes na longsleeve basta alam mo nayon at naka messy bun ako.

Ibinasa ko muna ang chart na naka dikit sa board sa tabi ng gate para hanapin kong saan kami ppwesto.

Napalaki ang mata ko ng makita ko na kasama namin sa team ang taga MD/MDA Dual program 3rd years class A, section ni Axel.

Napakunot ang noo ko, "Aynalang" pailonggong sabi ko, may alam ako nito kase probinsyana ang mommy ko but she's gone so.

Napa mangha ako kase maraming booth ang naroon, confession booth, marriage booth, jail booth, photo booth,  Silent disco booth, Face painting at marami pang iba...

Sa confession booth kami naka assign, kaya doon ako dumiretso, agad naman akong sinalubong ni Hayacent at Jenyr, kaklase kong babae.

"Uy Lyanna, ikaw nga mag assist ng confession slips" ani ni Jenyr.

"Sige ba" Inilapag ko ang tote bag ko sa mesa at inayos ang mga slips.

Maraming tao sa confession booth nung time na yan, nagsimula na ang intramurals at ngayon gaganapin ang basketball.

Nagulat ako ng tinapik ako ni Hayacent habang ako ay nag iisa isa ng papel, "Uy alam mo ba sumali ang triplets sa basketball gosh!" kilig nyang sambit.

Hindi ko sya tinignan, "Oh anong pakialam ko don?" lamig kong sabi.

"wow, dapat icheer mo si Axel no, partner kaya kayo sa quizbee next month" nagulat ako ng sinabi nya iyon, napatingin ako sakanya na nakakunot ang noo ko.

"Anong partner? eh wala pa namang announcement ah" ani ko na nagtataka.

Inilagay nya ang dalawang kamay nya sa baywang nya at tinignan ako ng diretso, "Anong wala? Hindi kaba nagsscroll sa facebook? ang laki ng mukha nyo don" ani nya na may inis kaunti.

"Tsk tsk tsk" dagdag nya habang patalikod at bumalik sa ginagawa nya.

Kinuha ko ang selpon ko para icheck at yon nga.

ANNOUNCEMENT POST:

Attention, everyone!

We are excited to announce that Ms. Lyanna Eloise Salcedo from the 2nd Year MD/MDA Dual Program and Mr. Axelion Drystan Mat Vryn Gavrez from the 3rd Year MD/MDA Dual Program will be partnering together to represent Cavite Coastal University at the upcoming Quiz Bee on November 20, 2016, to be held at the Mariano Grand Arena in Batangas.

Join us in supporting them as they showcase their knowledge and skills in this exciting competition! Let’s cheer them on and wish them the best of luck!

Thank you!

"Shit" bulong ko.

Kasama ko na naman sya dito, antalino nya talaga hindi ma reach.

When We Meet Again ( Empresarios Gavrez #1) Where stories live. Discover now