1. Ang Reinkarnasyon ni Adonis

2.4K 20 1
                                    

1.

Dear Diary,

Ampuuuu. Ano ba itatawag ko dito? Unang kabanata? Chapter 1? 1st Chapter? Ano ba talaga dear diary?

Bawal daw magmura sabi ng teacher namin. Tsss =__=.  Bat ba kasi ako nagdidiary, puch—aarg! Pambakla to, ampepe! Kelangan daw sabi nung teacher namin sa values para daw sa Clearance. Anak ng kuto, wala naman kaming grades dito. Nakakabakla na talaga to, nakakabawas gwapo to dear diary.

Ilang chapters ba kailangan dito? Dapat tinanong ko eh. Laboo talaga! Di hamak naman na mas magandang lalake ako dun sa teacher namin, lamang na lamang ako ng sampung ligo.

Wala namang kakaiba kanina sa school. May transferee lang, TANG NA RED--  hanep ang katawan, pati muka. Kaso hindi ko katabi. Alphabetical order eh, ampupu high school talaga oh oh! Ewan ko ba yung apelyido, malayo sa’kin eh Hermosa yung akin. Lenshak, bat ba sinabi ko sainyo?! -_-

Alam mo ba dear diary? Syempre hindi pa, pinormahan pa nung isa kong kaklase, basted ang hayo—amp! =___= tinaasan ng kilay saka tiningnan mula ulo hanggang paa. Bwahahaha

Bukas didiskartehan ko *evil smile* sa gwapo kong ‘to, hindi yung makakatanggi.

Pansin ko nga kanina pa ko tinitingnan eh, hindi ako assuming dear diary ah, sadyang gwapo lang talaga ko.

Mamaya ibebreak ko na yung girlfriend ko, umay na ko dear diary. Nakakasuya na! Kelangan ko naman ng ibang putahe, hahaha *smirk*

Ang Reinkarnasyon ni Adonis,

Vin ‘gwapo’

Ang Diary ng Playboy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon