5. Kakilig-kilig

381 8 0
                                    

5

Dear Diary,

Long time no talk dear diary. Isang linggo kitang hindi nadalaw ng isang gwapong katulad ko, pero wag kang mag-alala, andito na ko. *smirk* isang linggo ko ng pinopormahan si Zeena.

Grabe dear diary, hindi man lang talaga sya nagpapakipot. Alam kong gwapo at macho ako, pero masyado syang masungit sa iba. Bakit kaya dear diary?

Bukas tatanungin ko na sya kung pwede ko na syang maging girlfriend. Ampot—sya na ata ang pinakamatagal kong niligawan. Pero ayos lang, tiba-tiba naman, dami kong chansing dear diary!

Kanina nahawakan ko yung ano nya, haha, ALAM NA! Yung ‘Future’ nya.  Hindi nga kasi sya pakipot diba?

Mamaya magkikita kami, hahalikan ko ulit sya dear diary *killer smile*. Ampepe, ang tamis kaya ng labi nya dear diary. Tapos may flavour pa yung ano yun, yung kwan, yung kulay pulang pinapahid sa matamis nyang labi. Basta—pilstick ata yun, oo yun nga.

Kanina nagpabili ako ng bouquet at ferrero rocher sa pinsan ko. Kikiligin kaya sya dear diary?

Kakilig-kilig,

Vin

Ang Diary ng Playboy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon