8. Hindi ako nagseselos

358 6 1
                                    

8

Dear Diary,

Nag-date kami ni Zeena, inaya nya ko.

Ngayon lang ako nakipagdate dear diary. Hindi ko naman kasi dinedate yung mga naging girlfriend ko dear diary, hatid-sundo lang tapos sa kama na.

First time ngayon yung kay Zeena, ayoko sanang pumayag, wala naman akong idea sa ganyan ganyan eh, eh kaso makulit sya baka mag-away na naman kami. Tss, puch- feeling ko na-uunder ata ako dear diary. Anak ng tinapa!

Sa isang park lang kami nagpunta. Ayaw nya sa mall, masyado na daw lame dun. Eh bakit dito sa park? Lame din naman ah, anlaboo dear diary!

May bata pa ngang lumapit sa’kin, nagtitinda ng lobo. Umalis kasi si Zeena, magc-cr daw sya. Binentahan ako nung bata sabi bumili raw ako ng tatlo, ewan ko kung bakit tatlo? Dapat isa lang bibilin ko, pero pinilit yung tatlo, kaya tatlo tuloy yung nabili ko.

Ala naman akong gagawin sa lobo dear diary, wala naman akong kapatid na bata.

Papaliparin ko na sana, kaso bigla akong nakita ni Zeena.

“wow, thank you!”

Bigla nyang kinuha yung lobo dear diary, tapos hinalikan ako sa pisngi.

Bakit nya kinuha dear diary? Tapos nakita ko yung batang nagtinda, ngumingisi tapos nag-thumbs up pa sa’kin.

Bakit parang bigla syang sumaya dear diary simula nung kinuha nya yung lobo? Samantalang ako, hindi nya ata nahahalatang hindi ako nag-eenjoy, ang boring pala magdate. Ampepe!

Tapos hinawakan nya pa yung kamay, nagholding hands tuloy kami.

May nakita pa syang ice cream vendor, bibili daw sya ng dirty ice cream.

“tara samahan mo ko, gusto ko nun!” excited nyang sabi.

“-__- sige, ikaw na lang, hintayin kita dito” nakaupo kami sa swing, tinatamad akong tumayo.

Hindi naman nya ko pinilit, kaya hinayaan ko na lang sya, natatanaw ko naman sya dito.

Antagal nyang bumili, nakita kong may lumapit sa kanyang lalake.

Tapos nagtawanan pa sila.

Hindi ko alam dear diary kung bakit uminit ang ulo dahil dun. Gusto kung sapukin yung lalake, gusto kung bugbogin.

Napasugod tuloy ako sa kanila. Dear diary, bigla ko syang hinila. Ewan ko kung bakit? Tapos sinamaan ko ng tingin yung lalake. Tuloy-tuloy lang ako sa paghila sa kanya.

Hanggang sa nakarating na kami sa sasakyan ko.

Pagpasok na naming dalawa, nakita ko syang ngingiti-ngiti. Hmm? Pot--  nakakainis!! Bakit sya ngumingiti dear diary?

“selos!” saka sya tumawa dear diary?

Ako?! Nagseselos? Hindi naman dear diary diba?

Hindi ako nagseselos,

Vin

Ang Diary ng Playboy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon