4. Napaka macho

419 8 0
                                    

4

Dear Diary,

Lunes na naman, nakakatamad pumasok =__=

Kanina sinabayan kong kumain ng recess at lunch si transferee. Hoy dear diary alam ko na ang pangalan nya, Zeena, Zeena Montanez. Binola-bola ko pa ngang napakaganda ng pangalan nya, pweh, kahit hindi naman talaga. Nakita ko nga ulit namula eh. Ampepe!

Binayaran ko pa tuloy ang pagkain nya, psh. Buti na lang at mayaman ako, tsk.tsk buti na lang at hindi masyadong malakas kumain o baka naman nahihiya lang sya sa’kin dear diary? Ano sa tingin mo? *killer smile*

Nahingi ko na rin yung number nya. Hindi man lang sya nagpakipot dear diary. Eh bakit sa iba masungit sya? O sadyang sobrang gwapo ako talaga dear diary? Syempre ako nga ang escort sa homeroom org eh, ampuuut—masyadong bakla.

Hinatid ko ulit sa hanggang parking lang, may sundo daw sya. Buti naman, ayokong magaksaya ng gasolina para lang ihatid sya, tssk!

Pag-alis nya ay tinext ko lang sya

“take care

Ay pot—hindi pala ako nagpakilala dear diary. Lech- naman!

“btw this is vin, save mo na puso ko—eh i mean number ko”  hindi naman corny diba dear diary? Nakakakilig nga eh diba? Diba?

Napaka macho,

Vin

Ang Diary ng Playboy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon