7. Ang hirap magpigil

366 7 0
                                    

7

Dear Diary,

Two weeks na kami ni Zeena. Ayos naman, wala naman kaming nagiging problema. Madali naman kasi syang pakisamahan.

Kaso kanina nag-away kami. Sabi nya kasi iwasan ko ng manigarilyo, nainis lang ako dear diary, ayoko kasing pinakikialaman ako.

Hindi ko naman sinadaya, pero nasigawan ko sya dear diary.

“Zeena, girlfriend lang kita. Hindi kita nanay ko para pakialamanan ako. Putan--n- lang!!”

Papasok pa lang sana kami ng bar nun. Pero ayun nagwalk-out na, hindi na sya kumibo basta umalis na lang. Naguilty naman ako. Anak ng kamote, kelan ka pa natutong maguilty Vin?

Pinuntahan ko sya sa condo nya, pero naka-lock. Buti na lang may susi ako, binigyan nya ko nung naging kami.

Wala akong nakita pagpasok ko. Dumiretso ako sa kwarto nya. Nakahiga sya sa kama nya habang umiiyak. Parang nakaramdam ako ng inis sa sarili ko, dapat hindi ko na lang sya sinigawan. Pot—Vin, hindi ka naman ganyan ah! Sanay ka pa ngang umiiyak sa harapan mo yung mga babae pagbinebreak mo?

Binato nya ko nung unan nung nakita nya ko.

Lumapit naman agad ako sa kanya.

“z-zeen, hindi ko sinasadya.” Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. Ngayon ko lang to gagawin sa isang babae.

Lumapit pa ko sa kanya. Tapos niyakap ko sya dear diary.

“ikaw naman kasi, alam mo namang ayaw kong pinakikialamanan ako diba?” malambing yung pagkakasabi ko sa kanya dear diary.

Pagkakalas ko sa kanya nakita ko syang ngumiti, tapos ayun, bati na kami.

Hindi na ako dumiretso sa bar, natulog na lang kami.

Natulog lang talaga kami dear diary, pramis. Walang nangyari.

Ang hirap magpigil,

Vin.

Ang Diary ng Playboy.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon