AFH - 1

349 16 2
                                    

CHAPTER 1


- Spencer -


Mga thirty minutes na rin akong nakatayo dito sa gilid ng eskinita, nakasandal ako sa puno ng santol habang pinagmamasdan ko ang isang brand new na Mercedes Benz. Nakapark ito sa tapat ng warehouse na hindi ko naman alam kung anong klaseng warehouse iyon.


Maya-maya pumasok na sa loob ang dalawang lalaki na base sa obserbasyon ko ay mga body guard. Dahan-dahan akong lumapit sa kotse at nagmasid-masid kung may mga tao ba. Wala namang tao dahil ito ang parte ng subdivison na madalang lang mapadaan ang mga residente. Kaya pinagtataka ko rin kung bakit may warehouse dito.


Hinimas ko ang nakapa-gandang kotse na nasa harapan ko ngayon, tiyak na malaki ang kikitain ko kapag binenta ko 'to. Napa-ngisi ako sa ideyang naisip ko. Nakayuko lang ako sa tapat ng driver seat dahil maingat akong magtrabaho, mahirap na baka mahuli ako. Kinapa ko sa bulsa ko ang improvised car key na pinagawa ko sa kaibigan ko, lahat ng klase ng kotse ay kaya nitong buksan kaya hindi ko na kinakailangan pang basagin ang salamin ng isang kotse para lang makapasok ako sa loob. At nasa matinong katinuan pa ko kaya hindi ko gagalusan ang Mercedes Benz na 'to.


Pinasok ko na ang improvised car key ko sa key hole at gaya ng inaasahan, bumukas ito. At dahil nga mukhang susi talaga ng kotseng ito ang improvised car key ko, hindi na tumunog ang audible alarm. Umupo na ako sa loob at nakita kong lumabas ang limang lalaki mula sa warehouse, tinted ang salamin kaya hindi nila ko nakikita. Sorry na lang sila, nakasakay na ko. Pinutol ko ang dalawang kable sa ilalim at pinagdikit, dahilan para magstart ang kotse. Narinig nilang nag-start ang engine kaya nataranta sila. Bago ko pinaharurot ang sasakyan, binaba ko muna ang bintana sa kanan ko at tumingin ako sa mga lalaki sa labas, sabay kindat.


Mabilis kong pina-andar ang kotse na umabot na sa maximum speed, napansin ko na may dalawang Honda Civic na sumusunod sa akin. Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho at lumiko ako sa kanan, Winston Street. Mas malawak ang kalye dito kaya pwede ang two lane. Pagtingin ko sa kaliwa ko nasa tabi ko na ang isang sasakyan. Ginitgit ko siya at lumiko ulit ako sa isang kalye.Napa-mura ako ng marealize kong mali ang ginawa ko "Shit! Nagasgasan ang Mercedes Benz ko! Wrong move."


Ilang beses akong lumingon dahil nawala na sila sa paningin ko. Natawa ako ng bahagya.


"Ang bilis nilang sumuko ah! Tsk, ang hihina," usal ko.


Palabas na sana ako sa kabilang exit ng subdivision kung saan walang mga bantay nang biglang may humarang na kotse sa harap ko. Pasalamat ako sa adrenaline rush ko at nakapag-preno pa ako. Naumpog ako sa manibela sa sobrang lakas ng impact dahil hindi ko na inabala ang sarili ko na mag-seatbelt kanina.


Pag-angat ko napapaligiran na ko ng limang lalaki sa labas habang nakatutok ang baril na hawak nila sa akin. Dahan-dahan akong lumabas ng kotse na nakataas ang dalawang kamay.


"Ganda ng kotse niyo a, sinubukan ko lang," cool kong sabi sa kanila. Hindi uso ang salitang panic sa sistema ko. Kung sakaling kakabahan man ako, sinisigurado kong hindi nila iyon makikita o maski mahahalata.


"Sumama ka na lang sa amin kung ayaw mong masaktan," sabi 'nung isang lalaki.


A's SERIES: Assassin for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon