AFH - 7

118 7 4
                                    

Author's Note: Hello dear readers :) How are you?  I'm so sorry for the super duper late update HAHA! Almost 9 months late, anyways its better to be late than never XD Naging busy lang kasi ako sa school so now Congratulate me please? Wahaha Graduate na ko ng College, with the Bachelors Degree in Education ;) For now, bear with me kahit na hindi consistent ang updates since magwowork na rin ako sa school ko. High School Teacher here!

Okay keep on reading. This story will be more exciting and intriguing :)

 -----------


CHAPTER 7


- Spencer -


"Ang hirap talagang solusyunan ang problemang pinansyal. Bwisit!" bulalas ko habang nakatingin sa mailaw na daan.


"Saan ba kasi tayo pupunta Parekoy?" tanong ko. Malapit na ring mag-gabi, kakatapos lang naming sunduin si Naya sa eskwelahan niya. Mabuti nga at walang nanghuli sa amin kahit tatlo kami sa motor kanina. Iniwan lang namin saglit sa bahay si Naya at ang idinahilan namin ay bibili kami ng ulam para sa hapunan.


"Raraket, kitang parehas tayong walang trabaho ngayon. Dating gawi." Mabilis kong napasadahan ng ismid 'tong kasama ko. Parehas kami walang tarabaho e kasasabi niya lang na nag-leave siya, don't tell me fired din pala siya.


"Imbento mo lang siguro 'yong leave-leave mo 'no? Nasesante ka?"


"Hindi no! Tangek ang ibig ko lang sabihin na heto, parehas tayong wala sa mga trabaho natin, may free time. Kahit pumunta pa tayo sa opisina ko e' para makita mong naka-leave talaga ako."


Ang defensive ng sagot niya, pero malay ko nga namang gano'n lang talaga ang ibig niyang sabihin. Kagaya nga ng nasabi ko ni hindi ko alam kung ano nga ba ang trabaho ng bestfriend ko, mukhang hindi naman masamang ideya kung papatulan ko ang paanyaya niya.


"Sige ba! Tara nang malaman ko naman kung saan workplace mo. Baka imbento mo lang pala 'yong mga paperworks mo. Sa totoong buhay pala, isa kang drug pusher."


"Oy gago hindi ah! Hindi ako gano'n," mabilis niyang sagot, natawa na lang ako ng sobra sa ekspresyon ng mukha niya. Kulang na lang isuka niya ang kinain naming calamares sa daan sa pagkarining ng salitang "drug pusher".


Inabot niya sa akin ang helmet na pula, agad ko naman itong sinuot dahil tapos ko na ring inumin ang gulamang binili namin sa tindahang pinagbilhan din namin ng calamares. Nakasuot naman na si Anjo ng helmet niya ng bumaling ako sa kanya. Sumakay na siya sa motor niya kaya sumunod na rin ako.


Marahan akong humawak sa bewang niya nang paandarin na niya ang motorsiklo. Hindi gaanong madami ang sasakyan sa high-way na dinaanan namin. Mabilis ang naging biyahe namin, hindi ko namalayang huminto na kami sa isang malaking gusali.


Halos mangalay ang leeg ko sa pagtingala ko sa gusaling may halos limangpung palapag. Masyado akong na-starstruck, hindi ko akalaing dito talaga nagtatrabaho 'tong mokong kong kaibigan. Sa sobrang pagkamangha nakalimutan ko pa lang tanggalin ang helmet na suot ko.

A's SERIES: Assassin for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon