AFH - 4

195 12 2
                                    

CHAPTER 4


- Spencer -


"Are you okay, Spence?" tanong niya pagkapasok niya sa loob ng kotse. Napansin niya siguro ang pagkatulala ko at ang mabibigat kong paghinga.

"O-oo. Ahm... Bakit mo nga pala ako kilala?" 


Sa pagkakaalala ko hindi ko pa naman nasabi sa kanya ang pangalan ko kaya nakakagulat lang na alam na niya agad iyon. Sinulyapan ko siya dahilan para magtama ang mga mata namin.


"I have my ways. By the way I like your name. Spence, sound like suspense," nakangiti niyang sabi ngunit 'di nagtagal nag-iwas na ito ng tingin. Tinuon na niya ang mata niya sa harapan. 


"Sinusundan mo ba ako?" marahas kong tanong dahil wala na akong maisip na dahilan kung bakit siya nandito sa tabi ko ngayon. Mabuti na lang at hindi ako mabilis makalimot at natandaan ko pa rin ang mukha niya. Sabagay kagabi lang naman kami unang nagkita, hindi pa ganoon katagal ang oras na lumipas.


"Well its obvious. Bakit ba hindi ka na lang magpasalamat at niligtas pa kita mula sa mga basag-ulo na 'yon? You should be thankful Spencer," saad nito. Hindi siya galit sa tono ng pananalita niya, para lang siyang nang-uuyam.


"Psh. Okay thanks!" matigas man ang ulo ko at may inis akong naramdaman sa taong ito dapat pa rin akong magpasalamat. Kung hindi siya dumating baka kung ano ng nangyari sa akin. Masyado pa naman silang marami, tiyak na hindi ako mananalo laban sa mga gagong iyon.


Nakatitig lang ako sa kanya. Naramdaman niya siguro ang pagtitig ko kaya nilingon niya ako. Bakas pa rin sa mukha niya ang galos na natamo niya kagabi. Ang mga sapak na ginawad ko sa mukha niya at ang kalmot ko sa pisngi niya. 


Siya ang lalaking kasama ng matanda kagabi. Iyong lalaking huli kong nakalaban pero sa huli natalo ko pa rin. Hindi ba dapat galit siya sa akin dahil sa ginawa ko?


Yumuko siya at binuksan ang isa sa mga compartment dito sa gilid ng manibela niya. Isang box ng tissue ang nilabas niya mula doon. Kumuha siya ng isang ply at hindi ko napaghandaan ang paglapit niya sa mukha ko. Dahan-dahan niyang pinunasan ang baba ko.


"May dumi ka. Sa kamay siguro ng lalaki kanina," pagpapaliwanag niya kahit hindi ko pa siya tinatanong. 


Hindi ko maiwasang maasiwa sa ginagawa niya. Napakalapit ba naman ng mukha niya sa mukha ko. Kaunti na lang tutusok na sa pisngi ko ang tulis ng ilong niya. Sunod-sunod na paglunok na lang ang ginawa ko. Hindi rin naman nagtagal ay lumayo na siya sa akin.


"I'm Clark. Alam kong kanina mo pa iniisip kung sino ako. And yes, sinusundan nga kita."


"Ba't mo ko sinusundan? Problema mo sa'ken?"


"Masyado ka kasing nakaka-curious, Spence. Kamusta ka nga pala? Masyado ba kitang nasaktan last night? Ikaw naman kasi palaban ka masyado."


Binuhay niya ang makina ng sasakyan niya at pinaandar ito. Saka ko lang naalala na baka kung ano naman ang gawin sa akin ng isang ito. Tulad nga ng sabi ko habulin ako ng gulo o mas tamang sabihin, habulin ako ng mga loko-loko.

A's SERIES: Assassin for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon