AFH - 10

122 8 2
                                    

CHAPTER 10


- Spencer -


Alam ko naman sa sarili kong hindi totoo na napanalunan ni Anjo ang hotel accommodation na ito. Ewan ko kung sa paanong paraan niya na-afford ang ganitong klaseng kwarto. Two bedrooms ito at may kalakihan ang living room.


"Kuya Anjo ang ganda-ganda naman dito. Tapos isang buwang ganito ay grabe buhay prinsesa. Ang sarap ng gano'n, 'no Ate?" Ngumiti lang ako kay Naya.


"Tapos may swimming pool pa sa ibaba na pwedeng-pwede languyan. Nakaka-excite talaga. Samahan mo ko 'te sa paglibot sa hotel na 'to at sa ibaba."


"Pwede tayong kumain sa ibaba, maraming masasarap na kainan dyan. Akong bahala, basta weekends lang para naman hindi ka malate sa school kinaumagahan," sabat ni Anjo.


"Ay Kuya Anjo gusto ko ring bumisita doon sa parang venice, malapit lang 'yon dito 'di ba? Madalas ko kasi siyang makita sa mga friends ko sa Facebook. Ang sosyal lang hahaha!"


"Oh sige punta rin tayo doon. Yayain natin 'yang Ate mo."


Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila, nasa kusina si Anjo at nakaupo naman si Naya sa mataas na stool sa tapat ng sementadong lamesa, mukhang bar counter. Nasa BGC nga pala kami kaya ang dami talagang pwedeng pasyalan. Ngayon pa lang hindi ko na ma-imagine kung gaano karaming pera ang mauubos namin. Takte kasing lugar 'to, ang taas ng state of living.


"Sasama ka naman 'di ba Ate?"


Ngumiti lang ulit ako sa kanya, wala kasi talaga ko sa wisyong magdaldal. Nakita ko kung paano nagbago ang malapad niyang ngiti sa pahaba niyang nguso.


"Ang tipid naman ng emosyon mo 'te, may pinag-iipunan ka ba?"


Nanatili lang akong nakangiti samantalang siya naurat na sa akin. Narinig ko naman ang tawa ni Anjo.


"Pagod lang siguro 'yang Ate mo, 'wag mo na lang istorbohin. Dito ka na lang bata! Tulungan mo ko maghanda ng hapunan natin," ani ni Anjo.


Kung alam niya lang, hindi lang katawan ko ang pagod. Sumasakit na nga ulo ko kakaisip sa mga nangyayari. Napabuntong hininga na lang ako. Inihiga ko na lang muna ang katawan ko habang wala pa naman ang hapunan. Inaabot ng kamay ko ang balahibo ni Spinel, nakahiga kasi siya sa carpet katabi ng couch na hinihigaan ko. Mabuti na lang at ayos lang sa hotel na 'to si Spinel kahit wala siyang breed.


Pinilit kong matulog pero ayaw talaga ng mga mata ko, daig ko pa ata ang nakasinghot. Hindi naman nagtagal tinawag na nila ako para sa hapunan. Pinaghila pa ako ng upuan ni Anjo sa hapagkainan dahilan para ngumisi ng wagas ang kapatid ko.


"Problema mo?" masungit kong tanong sa kanya.


"Hmm wala-wala! Tara kain na, happy dinner," patawa-tawa niyang sagot. Mukhang may pinag-usapan ata ang dalawang 'to kanina habang nagluluto. Bahala sila diyan basta ako kakain na lang.

A's SERIES: Assassin for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon