AFH - 2

270 14 8
                                    

CHAPTER 2


- Spencer - 


Pinili kong hindi sumakay kaya naglakad na lang ako papasok muli sa subdivision. Kailangan kong magtipid dahil napakarami naming gastusin ni Naya sa bahay. Hetong malapit na dumating ang bill ng kuryente, magsisingilan sa bayad ng upa ng bahay at ang mangilang-ngilang gastusin niya sa eskwelahan.


Bakit ba kasi minalas pa ako ngayon gabi. Isip-isip ko.


Magkakasunod na buntong hininga ang pinakawalan ko. Takte kailangang-kailangan ko talaga ng pera! Bakit kasi pinanganak akong mahirap? At bakit napakaraming mahirap dito sa Pinas? Pwede naman kasing anak na lang ako ng isang pinakamayamang tao sa mundo, e' 'di sana wala akong pinoproblema ngayon?


Nakakagago lang, pati bigas ata wala na kami. Psh.


Biglang naalala ko ang card na binigay ni tanda sa akin. Walang anu-ano ay dinukot ko ulit iyon mula sa dibdib ko. Napailing-iling ako habang binasang muli ang nakasulat.


"Assassin for Hire? Takte hindi ko pinangarap pumatay ng tao! Gago!" Sigaw ko sa kawalan. Nanggigigil ako. Oo na magnanakaw ako, pero hindi naman ako halang sa kaluluwa.


"Anong tingin niya sa akin sasang-ayon sa kabaliwan niya. Ulol siya!"


Pagharap ko sa card ay nabasa ko ang kakaibang pangalan ng kanilang grupo o kumpanya. May isang malaking ibon din na nagsisilbing logo ata nila.


"Black Ravens," pagbasa ko sa nakasulat sa bandang itaas. Umismid lang ako saka ko pinunit-punit ang kapirasong papel na iyon. Matapos ay tinapon ko at hinayaang liparin ng hangin.


Makalipas ang halos trenta minuto nakarating rin ako sa bahay na inuupahan namin. Hindi talaga ito literal na bahay dahil para itong tenement kung titingnan. Lumang gusali lang ata ito na pinagkakitaan ng mga taong nandito o ng gobyerno.


Umakyat ako sa 6th floor dahil doon ang bahay namin ng kapatid ko. Panigurado hinihintay na ko no'n. Pinihit ko ang door knob at hindi nga ako nagkamali dahil sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng adobong sitaw. Hindi pa ako tuluyang nakapasok ng salubungin ako ni Spinel, ang nag-iisang aso sa bahay na ito. Normal lang siyang aso, walang sosyal na breed pero malago ang mga balahibo niya.


Sinara ko lang ang pinto bago ako lumuhod sa harap niya. Hinimas-himas ko ang ulo niya na halatang tuwang-tuwa sa pagdating ko. Ito ang gusto ko sa asong ito, napapawi niya ang pagod ko.


"Ate ikaw na ba 'yan?" sigaw ng kapatid ko mula sa kusina. Hindi naman ganoon kalayo ang kusina namin dahil maliit lang ang kwartong ito, natatakpan lang ito ng kurtina kaya hindi makikita kung sino ang taong dumating kung nandoon ka.


"Oo ako 'to!" sagot ko.


Tumayo na ako at iniwan ko na si Spinel doon. Narinig ko ang pagkalansing ng kutsara at tinidor. Agad ko ng tinungo ang kusina. Napangiti ako ng madatnan kong nakahain na ang ulam at kanin. May isang pitsel pa na malamig na tubig.

A's SERIES: Assassin for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon