AFH - 8

77 7 3
                                    

CHAPTER 8


- Spencer -


Punong-puno ng inis at pagkabadtrip ang buong ekspresyon ng mukha niya. May kakaibang panlalamig naman akong naramdaman sa bawat titig niya. Sa tingin ko mukhang naglaho ang espiritu ng alak sa katawan niya dahil sa paglapit ko. Alam kaya niya ang masamang balak ko?


Nananatili pa rin ang braso niya sa leeg ko at ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa pulso ng kamay ko.


"Who are you? Sinusundan mo ba ako?" baritonong boses nito. Sa dinami-dami na ng naka-engkwentro ko, alam kong madali lang lusutan ang isang 'to.


"No, I'm not. Nakita lang kasi kitang mukhang hindi... uhmm how can I put it ba? Mukhang hindi mo na kayang maglakad ng maayos so I tried to help you lalo na ng mahulog ang car keys mo," napaka-inosente kong sagot, sinabayan ko pa ng isang ngiting nagpapaawa.


"Can you remove your arm? Ma-masakit na kasi," pabebe kong sabi sa kanya. Doon naman siya natauhan kaya agad niya akong pinakawalan. Inalalayan niya pa akong tumayo ng maayos kahit na siya mismo ang sa tingin kong kailangan kong alalayan.


"Gano'n ba? Sorry, my bad. Did I hurt you that much?" gentleman nitong tanong. Sa paraan pa lang ng pananalita niya halatang rich-kid nga ang gago. Uutuin ko na lang kaysa gumamit pa ko ng dahas.


"Uhmm... sort of, parang napilay mo ata ang pulso ng kamay ko. Can you bring me to the nearest hospital, pero kung hindi.." saglitan akong huminto para umarteng sumasakit nga ang kamay ko sa higpit ng pagkakahawak niya kanina. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinisil-pisil, doon ko napagtantong hindi ko na pala kailangan pang umarte dahil bigla talaga siyang sumakit at pakiramdam ko naninags ang muscle ko o naglocked 'yung buto ko.


"No, it's okay. It needs some medication. Hop in," anyaya niya nang mabuksan na niya ang pinto ng race car niya matapos niyang tingnan ang pilay sa kamay ko.


Napatingin na naman ako sa malalamig niyang mata. Doon ko lang naaninag na gwapo pala ang lalaking 'to. Hindi nga siya ganoon kakisig pero malakas pala ang dating niya. Mayroon siyang manipis na bigote, at cleft-chin. Manipis naman at mukhang magaling humalik ang mga labi niya, matangos rin ang ilong at may nag-iisang nunal siya sa kaliwang dulo ng pisngi, malapit na sa panga niya.


Matapos kong pagpantasyahan ang kaunting kagawapuhan niya ay inilibot ko naman ang tingin sa loob ng kotse niya. Makikintab at pulidong-pulido pa ang kabuuan nito, halatang bago. Naagaw naman ng isang kwintas ang atensyon ko na nasa harapan ko lang. Nakalapag lang ito katabi ng air freshener. Silver lang ang kwintas pero ang kinang niya at nagustuhan ko ang pendant nito. Isang agila na aktong lumilipad. Madalas akong makakita ng mga ganoong aksesorya lalo na sa pawnshop sa tuwing nagbebenta o nagsasangla ako ng mga alahas na nakuha ko sa raket ko. Gustong-gusto ko talaga ang mga gano'ng design dahil sa haba ba naman ng panahon ay natuwa na rin ako sa tatoo na nasa dibdib ko, na parehas ibon rin.


Tahimik lang ang katabi ko habang nagmamaneho. Naalala ko bigla si Anjo, tiyak na magagalit na naman iyon. Dumadalas ata ang pagsakay ko sa kotse ng isang estrangherong lalaki.


Maya't-maya ang sulyap ko sa lalaking 'to. Ang seryoso ng mukha niya at parang hindi na talaga siya lasing. Nahimasmasan talaga siya nang akmang pagnanakawan ko, hula ko nakaranas na siya ng gano'n dati. Ang bilis ng reflexes niya nang lapitan ko lang, mabuti na lang talaga wala sa mukha ko ang mukhang-magnanakaw at masamang tao.

A's SERIES: Assassin for HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon