10

0 1 0
                                    

hindi ko maintindihan ang ibang tao na kayang sumira at magpasira ng isang pamilya. ano bang mapapala nila sa ganoon?

maliit pa ako n'on. sinamahan ko ang mama ko na sunduin ang papa ko sa gate ng pinagtatrabahuhan niya. gusto niyang isorpresa.

matagal kaming naghintay. umabot ng apat na oras pero wala-walang taong lumabas sa pabrika.

bata pa lang at wala pang alam sa bagay-bagay pero kinutuban ako na baka maagang umuwi ang mga trabahador doon. lumapit ako sa guard at nagtanong. at tama ako.

sinabi ko 'yon kay mama. nakita ko kung paano nag-iba ang ekspresyon ng kaniyang mukha mula sa masaya papunta sa kalungkutan.

ang masakit pa rin sa 'kin hanggang ngayon ay umuwi kaming hindi kasama si papa, at si mama? humagulhol ng iyak sa loob ng jeep. nasaksihan ng dalawa kong mata kung paano pagtinginan ng ibang tao si mama. pinapatahan ko pa siya n'on.

alam kong may kasalanan na ginawa si papa pero hindi ko pa mawari kung ano iyon kasi bata pa talaga ako. eight years old.

ang sakit lang kasi pagkatapos ng tagpong 'yon, nasira na ang pamilya namin.

my daily little thoughts Where stories live. Discover now