bata pa lang, mulat na ako sa reyalidad ng buhay.
dati kapag may gusto akong ipabili na laruan sa mama ko, palagi niyang sinasabi na "saka na, wala pang budget."
doon pumasok sa murang isip ko na, ah mahirap lang kami. kailangan magtrabaho ni mama para sa amin kasi kung hindi saan kami pupulutin?
pero hindi pa rin sapat. kulang pa rin para sa amin yung perang kinikita niya.
kaya noong bata ako, atat na atat akong lumaki at tumanda na para magkaroon na rin ako ng trabaho at makatulong sa kaniya.
YOU ARE READING
my daily little thoughts
Non-Fictionhalo-halo ang laman nito-hindi iyong malamig na panghimagas, ha? kundi halo-halong paksa-may masaya, nakakakilig, kalokohan, at kalungkutan. iyong ibang sinulat ko rito ay hango sa aking totoong karanasan kaya parang safe space ko na rin ito.