kung papapiliin ako, syempre pipiliin ko yung lumaking mayaman.
kasi kapag mayaman ka wala kang iisipin na kung sapat ba yung budget para pagkasyahin in one week.
kapag mayaman ka, hindi mo na iisipin kung saan ka kukuha ng pera para makapag-aral ka. hindi mo na titipirin yung baon mo para sa ambagan sa groupings.
araw-araw may makakain, araw-araw busog.
hindi aalalahanin yung mga tulo sa bubong tuwing naulan. hindi aalalahanin yung bubong na malapit na tangayin ng malakas na hangin.
makakatulong ka pa sa mga nangangailangan.
YOU ARE READING
my daily little thoughts
Non-Fictionhalo-halo ang laman nito-hindi iyong malamig na panghimagas, ha? kundi halo-halong paksa-may masaya, nakakakilig, kalokohan, at kalungkutan. iyong ibang sinulat ko rito ay hango sa aking totoong karanasan kaya parang safe space ko na rin ito.