Chapter 3
Weekend passed by in a blink of an eye. Ni hindi nga ako sigurado kung nakuha ko ba ang sapat na pahingang kinakailangan ko para sa linggong ito. To be a working student who balance her studies and responsibilities as an employee requires great dedication and determination to overcome the overflowing pressure.
Siguro kung may pagpipilian lamang ako, hindi ko pipiliin pang sumugal sa pagiging working student kung sakali mang magkaroon ako ng pangalawang buhay. Ang kaso nga lang, hindi kailanma’y sumagi sa tanan ng buhay ko ang pumili sa pagitan ng dalawang bagay pagdating sa mga ganitong bagay. Dahil laki ako sa hirap, wala nang iba pang pagpipilian kundi ang magtrabaho upang mabuhay.
“What time ang pasok mo, Gio?” Bumalik ako sa ulirat noong nagsalita si Rory na nasa tabi ko lang.
“Mamaya pang alas nuwebe. Ikaw?” Tanong ko pabalik.
“Aalis na ako niyan katapos kong mag-ayos. Sabay ka na sana sa ‘kin.” Aniya at sumandal sa balikat ko.
“Gusto ko munang humiga pa. Ramdam ko ang pagkirot ng likuran ko.” Sambit ko at kinuha ang remote ng TV.
Kaagad na inalis ni Rory ang pagkakasandal niya sa balikat ko at tiningnan ako. I could tell by the look in her eyes that she is worried about my health.
“Don’t worry about me, Rory. Normal na lang ‘to sa akin.” Ani ko at ngumiti ng bahagya.
“Masyado mo kasing pinapagod ang sarili mo! Tingnan mo kapag tumanda na tayo, kawawa ka!” Bahagyang tumaas ang boses niya at nagmistula siyang nanay na pinagsasabihan ang kaniyang anak dahil sa postura niya.
Nakalagay ang magkabilang kamay niya sa kaniyang baywang habang pinagsasabihan ako. Hindi ko mapigilan ang pagtawa dahil sa nakita. Kaagad na nagbago ang ekspresyon niya dahil sa pagkunot ng kaniyang noo.
“Concern na nga ang tao sa ‘yo, oh! Tapos ikaw, patawa-tawa lang?!” Hindi makapaniwalang tanong niya.
“Grabe naman kasi ‘yong postura mo! Literal na mom stunt, e!” Hinawakan ko ang tiyan ko dahil naramdaman ko ang bahagyang pagsakit nito dahil sa kakatawa.
“Bahala ka na nga r’yan! Mauuna na ako sa ‘yo!” Pikon niyang tugon at dumiretso sa kuwarto niya.
“Love you, Rory!” Tugon ko naman at humilata sa sofa.
I can feel my back aching so bad but I have no choice but to go to school since I will be attending my major subjects for today. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano ba ang binabalita sa TV dahil nananaig ang sakit na nararamdaman ko sa aking likod.
After almost fifteen minutes of waiting for Rory to finish preparing for school, Queen B herself has finished preparing. I heard her footsteps while my eyes remained shut, trying to sleep for the remaining forty minutes I have before I prepare for school.
“Gio, are you really okay?” I can sense that Rory is really concerned.
“As I said, don’t worry about me, Aurora. I can still attend school… and work.” I answered.
“Take a rest, Gio. You need it!” Aniya pa.
Minulat ko ang mata ko upang tingnan siya. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Gusto ko rin naman na magpahinga, pero mahalaga ang mga subjects na kailangan kong pasukan ngayong araw. Bukod pa roon, kailangan kong pumasok sa trabaho dahil sayang naman ang suswelduhin ko para sa araw na ito.
BINABASA MO ANG
And Just Like That (La Fille Diaries #1)
Novela Juvenil𝓛𝓪 𝓕𝓲𝓵𝓵𝓮 𝓓𝓲𝓪𝓻𝓲𝓮𝓼 𝓢𝓮𝓻𝓲𝓮𝓼 𝓞𝓷𝓮 Giovanna has her whole life planned according to her imagination about her future. Getting into one of the famous university in the country gave her the opportunity to be casted into big media corpo...