Positive

1.8K 42 4
                                    

Bea's POV

Pagkauwi ko galing sa hospital kung saan huli kaming nagkita ni thirdy...

Umiyak ako lalo sa kwarto ko at dun ko naisip na baka nga hindi kami ni thirdy para sa isat isa kaya nangyayari lahat ng to..

Magkakababy na si thirdy.. magkakapamilya...

Siguro nga.. hindi ako ang babae na magbibigay kay thirdy ng isang buong pamilya..

Nandito ako sa isang malayo na probinsya kung saan nagtuturo ako sa mga kindergarten. Isa akong Art Teacher..

Naparito ako para lumaking tahimik at mapayapa ang buhay ng magiging anak namin ni thirdy..

*Flashback*

Pagkauwi ko sa bahay nung araw na yun.. dumiretso agad ako sa kwarto na umiiyak..

hinabol ako nina mommy pataas kaya nilock ko ang pinto..

Humiga ako sa kama ng umiiyak pa rin..

bigla akong nakaramdam..

Nasusuka ako..

Bigla naman akong tumakbo sa cr sa kwarto ko..

Dun ako sumuka ng sumuka..

Hindi ako mapalagay..

Hinawakan ko agad ang tyan ko..

Napatakip ako sa bibig ko..

Buntis ata ako..

Nagbunga ata ang gabing yun..

kinabukasan, sinugurado ko kung buntis nga ako..

Agad akong umalis ng bahay para pumunta sa mercury drug..

Nagtanong ako nang pregnancy test at agad akong umuwi sa bahay..

" Anak?" Bati ni mommy

" Okay lang ako ma. Akyat lang po ako" Sabi ko at umakyat na ako sa kwarto ko

Agad akong pumasok sa cr..

Sinubukan ko ang pregnancy test..

Hindi ako nagkamali...

Buntis nga ako..

"POSITIVE"

napaiyak ako at napahawak sa tiyan ko..

" Anak sorry wala na si daddy.. sorry anak pinaalis na siya ni mommy....Kaya naman natin baby diba? Kaya naman ni mommy magisa?..." Sabi ko habang hinahawakan ko ang tyan ko

" Lalayo dito anak.. tayo lang dalawa.." dagdag na sabi ko

*End of flashback*

alam kong napaka unfair ko dahil hindi ko manlang nasabi kay thirdy ang tungkol sa baby namin..

Alam ko rin na hindi ko mabibigyan ang anak ko ng isang ama at kumpletong pamilya..

pero pas tatahimik ang buhay ng anak ko pag nilayo ko siya sa ama niya..

Ipapaalam ko nalang kina mommy at daddy kung nasaan kami ng anak ko pag handa na ako.. at paghanda na rin lumabas ang anak ko..

Wala akong pinagsabihan at wala rin nakakaalam kung nasaan ako..

Nageenjoy ako sa mga bata lalo na pag tinuturuan ko sila...

Nakikita ko sa labi nila ang ngiti na nadarama nila..

Isa yun sa mga nagpapalakas ng loob ko sa araw araw...

Hindi madaling makalimot sa kung anong nangyari...

Hindi madaling iwan ang nakaraan..

Hindi ako galit sa kung anong nangyari.. hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit ang unfair unfair ng mundo..

pero para sa anak ko, kakayanin ko..

It's me you're looking forTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon