Sila ay may kanya kanya ng buhay...
Sina bea at thirdy na ang laging bumibisita kina alyssa at kiefer dahil kay baby kieverzon..
Si rex at therese naman pauwi pa lang galing sa ibang bansa..
Bea's POV
Andito kami ngayon Ni thirdy kina ate alyssa para kay baby kieverzon..
Buhat buhat ko si baby kieverzon..
" Bea, pwede na" pang aasar ni thirdy
" Hindi pa. ayaw ko pa. Si baby kieverzon muna di ba baby?" sabi ko kay kieverzon habang buhat ko ito
Nagring naman bigla ang phone ko..
Si thirdy sumagot..
"Ay pare oo andito kami ngayon kina kuya kiefer.. kelan ba dating niyo? Ngayon na ba?" Tanong ni thirdy
Si therese o rex ata to..
" ay bakit ngayon? Sige ako nalang magsusundo sa inyo jan. Wala sina kuya kefier may pinuntahan eh kasama si ate aly" Sabi ni thirdy
binaba niya na ang phone..
" Thirds sina therese yun di ba? Ano? ngayon na daw ba sila dadating?" Tanong ko
" Oo bei. sunduin ko muna sila" Sabi ni thirdy
Pumayag naman ako at umalis na siya..
Ako muna ang naiwan at ang yaya ni kieverzon..
" Ang tagal naman nila noh kievs?" Sabi ko habang buhat ko siya
Umiyak naman si kievs..
" Kievs... quiet na.. padating na mommy at daddy mo.. baka natraffic lang" sabi ko kay kievs
Ilang minuto lang at dumating na rin sina ate alyssa at kuya kiefer..
" Ate aly iyak ng iyak si kievs.. buti nalang nakatulog. Naglalaro nga kami niyan eh pero pas gusto niya ata si thirdy" Pagpapaliwanag ko
"Oh bea bakit andito ka pa,di ba ngayon ang alis niyo?" sabi ni ate aly
" Ano? Namin? Nino?" pagtataka na tanong ko dahil sumigaw siya
" Bakit hindi ka kasama ni thirdy sa New York?" tanong ni ate alyssa
" New York? Anong new york? I mean kami? pupunta sa new york?!" Pagtataka ko
" Pupunta ngayon si thirdy sa new york dahil kinukuha siya para maglaro dun" Pagpapaliwanag ni kuya kiefer
" Ha?Ano? Nagbibiro ba kayo? Alam niyo kase... wala akong alam sa sinasabi niyo" Sabi ko
Ano? si thirdy papuntang new york?!
" Oo! Seryoso kami!" Sabi ni kuya kiefs
" Kung totoo ang sinasabi niyo...isa lang ang ibig sabihin nun... iiwan nanaman niya ako" Sabi ko at parang naiiyak na ako..
Ako? Iiwanan nanaman ni thirdy?
Ayokong maniwala...
" Hahayaan mo nalang ba mangyare yon?" tanong ni kuya kiefer
" Mahal mo siya di ba? Mahal ka niya. Di ba sabi niyo ipaglalaban nyo ang isat isa?" sabi ni ate aly
Para akong na freeze, hindi ko ang alam ang gagawin ko...
Kung maniniwala ba ako o hindi..
Kung hahayaan ko yun na mangyayare at hindi ko yun ipaglalaban...
Parang hindi ko na kakayanin..
" Ano pang hinihintay mo? Halika na at pupunta na tayo sa airport!" Sabi ni ate aly
BINABASA MO ANG
It's me you're looking for
Teen FictionIs the person who hurt me most is someone who can open my wounded heart?