I will fight for my love

2.1K 53 5
                                    

Bea's POV

Nung sinabi ni thirdy yun, bumabalik lahat ng mga sinabi niya sakin noon.

Hindi ko alam kung pano niya nasabi yun, parang walang nangyare. Gusto niya kausapin ko siya?

Andito kame ngayon sa bahay ni ate aly para maipakita ko na ang sketch ng kanyang gown and kay kuya kiefer din

" Wow beaaaa!!" sabi ni ate aly at nagulat si kuya kiefs

" Ganda na nga ng bride ko, Ganda pa ng gown" sabi ni kuya kiefs

" Maganda kasi gumawa" sabi ko. syempre confident ako nung sinabi ko yun

" eh nasan yung akin?" tanong ni kuya kiefs

" this oh" sabi ko sabay lipat sa ibang page

" Wow beaa!! Iba ka talaga!" sabi ni kuya kiefs

buti natuwa sila sa mga designs. pinakita ko na rin kina rex at therese ang para sa kanila and yes, nagustuhan din nila.

Ilang araw nalang at ikakasal na sila.

pumunta ako sa starbucks mag isa... Feel ko lang magisa.. para na rin makapag isip isip.

Marami nagpapicture sakin.

umorder ako at naghanap ako ng mauupuan ko.

Bigla ko silang nakita..

Thirdy.. with Billie..

" Are you following us?" Tanong ni billie

Kapal ng mukha. Kasing kapal ni thirdy.

" As far as i know this place is for everybody. Hindi naman sa inyo to, kase kung sa inyo to. HINDING HINDI AKO PUPUNTA DITO" sinabi ko ng may diin at umupo na

" Buti alam mo na bawal ka" rinig kong sinabi niya

Tumayo ako at may sinabi sa kanya

" Alam ko talaga kung san ako lulugar. Alam mo ba baka hindi nga lang ako ang hindi pumunta rito, pati nadin ang mga ibang tao.. ayaw kasi namin magpaloko eh. Tapos baka.... maagawan pa kami. Sayang naman ang EFFORT sa pagpunta dito kung ganon ang mangyayare di ba?" This time kung may sasabihin man sila, wala na akong pakeelam. Basta pumunta ako dito para makapag isa. Hindi para makipagplastikan.

Narinig ko naman ang pagka inis niya

" Grrrr! Grabe talaga yung ex mo babe!" narinig ko na Sabi ni Billie kay thirdy

Hindi naman nagsalita si thirdy..

After 10 minutes.. umalis na ako.

Habang papalabas..

Sinundan niya ako..

Sinundan ako ni Thirdy..

" Bei!!" Nilingon ko at nakita ko si thirdy

Hindi ko siya pinansin..

" Bei.. please" pagmamakaawa niya

" Bei!!!!!" sabi niya at hinawakan niya ang arms ko

" Don't touch me!" Sabi ko at hinawakan niya pa rin ako

" Bei.. makinig ka naman sa akin" sabi niya

" Saan mo nakukuha yung kakapalan ng mukha mo? Ang lakas ng loob mong kausapin ako.. pwede ba thirdy HINDI NA AKO TANGA" sigaw ko. hawak hawak niya pa rin ang arms ko.

" Beii. makinig ka muna please?" sabi niya

"Kung makapagsalita ka, akala mo walang nangyare. mawawala na ako sa katinuan kakaisip kung bakit mo ako iniwan..Kung may ieexplain ka, thirdy please wag na.. wag mo na akong patayin ulit" Sabi ko at this time binitawan niya na ako.

It's me you're looking forTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon