It's Official for TRex

1.6K 50 5
                                    

Ilang buwan na at hindi pa rin nagigising si thirdy.. Lagi lang si bea ang nasa tabi niya. Lagi niya itong kinakausap..

Rex's POV

Andito ako ngayon sa hospital.. kasama si bea.. kaso tulog si bea..

Lagi na lang siya umiiyak at kinakausap si thirdy..

Hindi siya umaalis sa tabi nito..

Habang tulog si bea.. ako naman ang kumausap kay thirdy..

" Pare, masaya na ang lahat. Ikaw nalang ang iniintay.. Andito na si bea oh.. Matutuloy niyo na ang forever niyo.. Bilib na bilib ako sayo.. Lahat ginawa mo para lang alagaan, proteksyunan at mapasaya si bea.. Pare isang buwan kana dyan... gumising ka na" sabi ko kay thirdy

" Hindi ko ngayon kasama si therese.. gusto ko ipaalam sayo na gagawin ko ng official to at gusto ko pag ginawa ko yun.. kasama kita.." dagdag na sabi ko kay thirdy..

Lumabas muna ako para bumili ng mga gamit na gagamitin ko mamaya at syempre isang bagay na pinaka importante sa lahat..

Therese's POV

So busy ngayon si rex... ang galing..

Dumaan daw siya sa hospital sabi ni ate alyssa at kuya kiefer..

Pero hindi niya ako sinama.. ang galing talaga..

Tawag ako ng tawag.. pero walang sumasagot..

ano ba nangyare dun..

magpapasama sana akong bumili ng fruits, dadalhin ko sana sa hospital.. kaso wala siya..

Asan ka Rex!!!

Ilang oras na ang lumipas at tinawagan ako ni bea..

" Therese pumunta ka dito sa hospital" sabi ni bea

" Sige. wala si rex.. kanina pa nga hindi nagtetext eh. Nakakainis" sabi ko

" Nako anjan lang siguro yun sa tabi tabi" sabi ni bea

" Sige papunta na ako diyan" sabi ko at binaba ko na ang phone

Ako ang nagdrive ngayon, wala si rex eh. Magisa ako ngayon..

Nakakapanibago..

Walang nangungulit saken...

Walang naghahawak ng kamay ko..

Walang nagpapahid ng ice cream sa ilong ko..

Walang maingay..

Ilang oras lang at nakarating na rin ako sa hospital..

Pumunta ako sa room ni thirdy..

Pagkapunta ko..

May red carpet..

actually mahaba at malaki ang room ni thirdy.

Nakita ko ang dad and mom ko na nasa gilid..

Hinawakan nila ang magkabila kong braso ko at naglakad..

Binigyan ako ng sister ko ng flower..

Nakita ko si rex sa dulo..

Nasa gilid si bea na katabi si thirdy na nakahiga..

Andun din si ate alyssa at kuya kiefer..

Lahat sila nakangiti..

Punong puno ng roses sa bawat side ng room..

Nakarating na kami sa dulo at nag beso ang parents ko at si rex..

Simula na akong umiyak..

" Bakit ka umiiyak? Lalong kumkulot ang buhok mo oh" Pang aasar ni rex

" Ano nanaman to? Pinapaiyak mo ko" Sabi ko habang umiiyak

" Sa lahat ng babaeng nakilala ko, wala na ata akong mahahanap na katulad mo.. Isang therese gaston na aalagaan ka, pasasayahin ka, iingatan ka, lalagyan ng kulay ang black and white na kulay ng buhay mo.. Sa ilang taon nating pagsasama, isa lang ang napatunayan ko. Ikaw ang babaeng dapat pinapakasalan.." sabi niya at umiiyak pa rin ako..

" Kaya andito ako sa harap mo, para patunayan sayo at sabihin sa buong mundo.. kung gaano kita kamahal.." dagdag na sabi niya

Lumuhod siya at may kinuha sa pocket niya

Isang red box..

Nilabas niya ang isang kumikinang na pink diamond ring..

" Therese.. will.. you.. be.. my.. Wife?" pautal utal na sabi niya..

This time.. umiiyak na rin siya..

" Eh. ano pa ba? Isa lang naman ang minahal ko.. Ikaw ang una at huling lalaking mamahalin ko Rex Intal" sabi ko

" YES.. YES.. YES REX INTAL.. I WANT TO BE YOUR WIFE.. I WANT TO BE WITH YOU FOREVER" sigaw ko at tumayo si rex..

Niyakap niya ako at hinalikan sa noo..

"Ang first kiss natin.. reserve na para sa wedding" Sabi niya

Hinigit niya ako papunta sa kinaroroonan nina bea..

" Pare!! Narinig mo yun? Official na! sabi ko naman sayo gagawin ko to ng kasama kita eh" sabi ni rex kay thirdy

" Masaya ako para sa inyo" Sabi ni bea

" Rex.. wag ng pasaway.. magiging mister ka na" sabi ni ate aly kay Rex

" Opo ate aly" Sabi ni Rex kay ate aly

" Alagaan niyo ang isat' isa.. Magmahalan kayo. Masayang masaya kami para sa inyo.." Sabi ni kuya kiefs saamin

" Bea, kayo naman ang susunod" Sabi ko kay bea at nagsmile siya at tuimingin kay thirdy..

" Kaya pare gumising ka na, kayo na ang susunod ni bea.." Sabi ni rex

Ngayon, Official na ang lahat. May time talaga para sa lahat ng bagay.. Hindi nasusukat sa ilang taong pagsasama.. Ang mahalaga sa mga oras na yun pinatunayan niyo kung gaano niyo kamahal ang isat isa. Yun ang pinatunayan si Rex saakin ngayon. Thank you God na binigyan mo ako ng Isang Rex Intal na tatanggap at magmamahal saakin ng buong buo..

Thank you sa lahat Rex, you never fail to make me smile..

I love you forever..


Thank you po ulit sa mga nag vote, nagcomment at yung mga nagmessage pa po. Thank you po talaga sa inyo..

Feel free to message me.. :)

It's me you're looking forTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon