Daddy's Pet (Boyxboy)
Author: ProudSilent
Chapter 01
Oct 26 2024
Genre: Boyxboy. Incest. Drama. Mature
~~~~~~~~~~~~~~~
RAIDEN (POINT OF VIEW)
Kasalukuyan akong naglalaro ng playstation sa harapan ng tv noong marinig ko ang tawag ni mama.
"Anak pwede bang makisuyo ako sayo at sumaglit ka muna sa talipapa at bumili ng tokwa." ang narinig kong sigaw ni mama galing sa kusina.
Kahit medyo asar ay iniwanan ko na muna ang nilalaro ko upang sundin ang inuutos ni mama.
Matapos nitong iabot ang perang pambili ay kinuha ko na ang susi ng motor ko sa labas at nag tungo na sa malapit na talipapa dito sa amin.
Aligaga si mama ngayon at todo ang ginagawa nitong paghahanda dahil ngayong araw darating sa amin ang taong ngayon niya lamang ulit makikita at iyon ay ang aking ama.
Na sa sinapupunan pa lamang ako ni mama noong umalis ito sa amin dahil sa pagkakakulong niya sa hindi malamang dahilan kaya't lumaki ako na hindi ko ito nakikita o nakakasama.
Ang mga lumang litrato nito ay nilamon pa ng baha noong dinaanan kami ng malakas na bagyo at walang itinira kahit na isa kaya kahit ang mukha nito ay hindi ko alam kung ano ang itsura.
Ang palagi ko lamang naririnig sa mama ko ay gwapo daw ang ama ko.
Kaya nga palagi silang nagtatalo noon dahil marami itong pinapatulan na babae at maging ang binabae.
Ngunit kahit na anong sabihin niya ay hindi naman ako nakakaramdam ng pagka miss dito dahil hindi ko naman siya nakasama at nakalakihan.
Kaya kahit ngayon na darating ito ay hindi ako nakakaramdam ng excitement dahil hindi ko pa naman ito nakikilala.
Isa lang ang nararamdaman ko dito at iyon ay tampo dahil wala siya noong mga panahong binubully ako ng mga kaklase ko dahil sa aking kasarian.
Maging ang mga paghihirap ni mama para lamang mabuhay niya kaming dalawa.
Mabuti na nga lang at may kapatid pang na sa abroad si mama at ito ang tumutulong sa pagpapaaral sa akin at sumasalo sa ilang mga gastos sa bahay.
Noong makarating na ako sa talipapa ay binili ko na ang pinabibiling tokwa ni mama at umuwi na rin ako.
Habang pauwi ako ay nakasalubong ko naman ang bestfriend at kaklase kong si Ringo naglalakad ito habang nakatutok ang mata sa kaniyang cellphone.
"Ringo!" ang tawag ko sa pangalan nito.
Napalingon naman ito sa akin at siya ay napangiti noong makita nito na ako ang tumatawag sa kaniya.
"Tol! Ikaw pala saan ka galing?" ang nakangiti nitong bati.
Huminto muna ako sa gilid ng daan at nakipag apir kay Ringo.
"May pinabili lang si mama sa talipapa at uuwi na rin ako."
"Ikaw saan ka galing?" ang tanong ko.
"Nagpaload lang ako diyan sa kanto pauwi na rin ako." ang sagot naman nito.
"Ano pang hinihintay mo sumakay kana dito tol para hindi kana mapagod maglakad." mungkahi ko naman sa kaniya sabay tapik sa likod ng motor ko.
"Hindi ko na tatanggihan 'yan tol salamat." ang nakangiti naman nitong sabi sabay angkas na sa motor ko.
Muli ko ng pinaandar ang aking motor at binaybay na namin ang pauwi sa bahay.
Magkapitbahay lamang kami ni Ringo tatlong bahay lamang ang pagitan ng bahay nila sa aming bahay.
BINABASA MO ANG
Daddy's Pet (Boyxboy)
AventuraLumaki ang binatang si Raiden na hindi nito kasama ang kaniyang amang si Yusuke. Ngunit paano kung dumating ang panahon na muli niya itong makakasama sa iisang bubong. Ang kaniyang amang hindi niya nakalakihan. Ang ama niyang makisig at macho. Makak...