PHEEM'S P.O.VTulala lamang akong nakatingin sa labas ng bintana habang ang mga luha ko ay patuloy na umaagos sa aking pisngi. Hindi ko inabala ang sarili ko para punasan ang mga ito.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto pero hindi ako gumalaw para tingnan kung sino ang pumasok at wala akong paki-alam kung sino man ito.
"You're good, right?" Rinig kong tanong ng pumasok na agad kong nakilala kung sino.
Pagkarinig ko ng kaniyang boses ay naging madilim ang aking aura ngunit kinalma ko ang aking sarili at nanatiling walang-imik.
"I've been looking for you, and I end up here in the hospital. What are you doing here? Are you here for the abortion?" he asked without filtering his words.
"Oh! I forgot. You're too soft-hearted to do that. I know you can't kill an innocent and unborn child." he added with a mocking tone.
Lihim na humigpit ang kapit ko sa telang hinahawakan ko dahil sa kaniyang sinabi. Paano niya nasasabi ang mga salitang iyon sa sarili niyang anak?
Ilang ulit ko bang kailangang sabihin sa kaniya na sa kaniya ang aking dinadala. Na wala akong ibang minahal kun'di siya lang.
Pero sino nga ba ako para isiping tatanggapin niya ang bata na ako mismo ay hindi niya kayang mahalin. Na kahit anong gawin ko ay hindi niya ako makikita dahil siya lang ang mamahalin niya, wala ng iba.
Na kahit ginagago na siya ng taong pinakamamahal niya pero heto siya bulag na bulag.
Nanatili pa rin akong walang-imik pero ang aking mga luha ay awtomatikong tumigil sa pagbuhos.
Mas pinili kong pakinggan na lamang ang kaniyang sasabihin dahil kung makikipagtalo pa ako ay wala rin itong silbi dahil sarado ang buong puso at isip niya sa akin. Kahit anong sabihin ko ay hindi rin siya makikinig. Wala na rin akong lakas para gawin pa ito.
At isa pa, pagod na ako.
Pagod na akong ipaintindi at sabihin sa kaniya ang buong katotohanan.
Pagod na akong ipaglaban ang sarili ko sa kaniya.
Pagod na akong umasa na mamahalin niya ako.
I guess, panahon na para pakawalan ko siya at hayaang makasama niya ang taong pinakamamahal niya. Sapat na ang anim na taong nakasama ko siya bilang mag-asawa.
Marahan akong bumaling ng tingin sa kaniya.
"What do you really want, Chant?" mahina at walang buhay kong tanong sa kaniya.
"Finally! you asked that question. I thought you became mute or deaf." he sarcastically asked.
"Here," Dumako ang tingin ko sa inaabot niyang paper.
"I know I've been asking for a divorce. You keep refusing to sign it several times. I also want you to know that today I am determined to leave here with your sign on it." saad niya,
Napatitig ako sa divorce paper na nasa harapan ko.
"I have a lot of copies of it, in case you ripped it again." he added.
Hindi ko kinukuha ang inaabot niya. Blangko lamang akong nakatingin sa hawak niya.
"Look! I know you love me so much, and I pity you for that. You keep loving me even though you knew already that I wouldn't love you back. That I love someone else." patuloy niyang wika.
His words don't matter to me now. Ano man ang kaniyang sasabihin ay hindi na ako maaapektuhan.
"If you really love me. Let me go and let me be happy with the woman I truly love. Sign this paper. You're delaying my wedding." napipikon niyang sambit.
BINABASA MO ANG
First And Forever
RandomPheem and Chant have been married for six years. During that year, she never received love from Chant because the only woman he loves is her stepsister, who suddenly disappeared. When her stepsister came back. Chant didn't hesitate to divorce Pheem...