Chapter #8

157 9 2
                                    


PHEEM's P.O.V

Tumigil ako sa pagbabasa ng story book for Prescious. Tiningnan ko ang batang binabasahan ko. Napangiti naman ako na mahimbing na itong natutulog.

Isinara ko ang story book na binabasa ko saka inilapag ito sa bedside table. Binuhay ko na rin ang lampshade.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nakayakap sa aking baywang saka inilagay sa ilalim ng kumot at inayos ko na rin ito para mas maging komportable siya sa kaniyang pagtulog. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo at dahan-dahan na akong umalis sa kama.

Walang ingay akong tumungo sa pinto saka binuksan ito. Muli ko siyang nilingon. Ilang sandali ko siyang pinagmasdan, pagkatapos ay hinawakan ko ang switch at tinurn-off ang ilaw. Lumabas at maingat na sinara ang pinto.

Dumeritso na rin ako sa kuwarto namin. Pagkapasok ko, hinanap kaagad ng mga mata ko si Noryan. Humakbang ako patungo sa terrace at doon ko nga siya nakita.

Nakatalikod siya at ang kaniyang kamay ay nakapatong sa railings. Lumapit ako sa pinto saka humakbang palabas.

"Hon," pagtawag ko sa kaniya.

Kaagad siyang bumaling ng tingin sa akin. Napadako ang tingin ko sa hawak niyang medical book. Mukhang nagbabasa siya.

Nagdadalawang-isip ako kung lalapit ba ako sa kaniya or hindi. Baka kasi nakakaabala ako sa kaniya.

Inilapag niya ang libro sa mesang nasa malapit sa kaniya. "Come here," Nang marinig ko ang kaniyang sinabi ay patakbo at parang bata akong lumapit sa kaniya. Niyakap ko siya at sumiksik sa kaniya.

I just want to hug him. I smiled when he hugged me back. I close my eyes and feel his warmth. 

Magkayakap lang kami at hindi nagsasalita.

Muli kong nakita sa aking isipan ang nakita kong tao kanina. That man is back. Hindi ako nagkakamali na siya 'yon. Ang lalaking kinamumuhian ko. Ilang taon man ang lumipas pero kahit kailan hindi ko makalilimutan ang mukha niya.

Grabe iyong pagpipigil ko kanina. Gusto ko siyang lapitan at argh. I want to kick his ass. Damned it!

Ayoko ko lang na gumawa ng eksena kanina lalo pa sa harapan ng school ng anak ko.

Pero may napansin ako, saglit lang iyon pero nakilala ko kaagad ang batang kasama niya. Siya 'yong batang kinaiinisan ng anak ko dahil palagi siya nitong tinititigan.

"Alright! Just do your duties, and I'll handle the rest." Naimulat ko ang aking mga mata saka tumingin sa kaniya. Doon ko lang napansin na mayr'on siyang suot na earphone sa kanang tainga niya.

"Meeting adjourned," saad niya pa.

"You have a business meeting?" takang tanong ko sabay tingin sa librong hawak niya kanina.

"But I thought you were just reading your medical book?" I added.

"Yeah, I am reading while having a meeting." casual na sagot niya at mas niyakap pa ako.

"Tsk! Your hobby is really weird." komento ko.

"That's how I finished my work in the fastest time." he simply responded.

Ewan ko ba sa kaniya. He can do multiple tasks. He is a multitasker. He is a doctor, the CEO of his three companies, a secret mafia lord, and a loving husband and father. 

Marami man siyang tungkulin at gawain ay hindi siya nawalan ng oras para sa amin lalong-lalo na kay Prescious. Hindi siya nawala sa lahat ng first time sa buhay ng bata.

First And Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon