PHEEM's P.O.VHindi ko naabutan si Noryan sa kaniyang office. Kasalukuyan siyang nasa surgery room. Katatapos lang din namin ni Narlyn na bisitahin ang mga pasyente niya.
Binigay ko sa kaniya ang coffee na binili ko.
"Okay lang ba talaga sa'yo na mag-drive na ng kotse? Hindi ka ba pinagbawalan ni Kuya? Kalalabas mo pa lang sa hospital kahapon tapos nagmamaneho ka na agad." wika niya pagkakuha ng coffee na inaabot ko.
Nagkibit-balikat lang ako.
"Kaya ko namang magmaneho. Hindi naman naputol ang mga kamay ko." tugon ko.
Pagtingin ko sa unahan, sa may entrance, napansin kong nagkakagulo roon.
"What's going on?" Rinig kong tanong ni Narlyn.
Lumapit kaming dalawa sa nurse station.
"What's going on there?" tanong ni Narlyn kay Gem, a nurse here.
Binati muna ako nito bago niya sagutin ang tanong ni Narlyn. Tumingin din siya roon sa entrance.
"Nariyan na naman po kasi iyong babaeng hindi po pinapapasok. Nagpupumilit po ulit na pumasok." magalang na sagot ni Gem.
"Tsk! Siya na naman! Hindi pa siya marunong umintindi na hindi siya puwedeng pumasok at ayaw siyang makita ni Kuya?" Rinig kong saad ni Narlyn.
Sumandal ako sa counter at tumingin sa babaeng araw-araw na pumupunta rito.
"But this time, she uses herself as an excuse," I commented while observing her more.
"Woah! Don't tell me! She got an accident for us to assist her!" hindi makapaniwalang saad ni Narlyn.
"Iyon na nga po, e. Pero kahit ganoon po ay hindi pa rin siya pinapapasok. Kahit po yata mamamatayin na siya. Wala pa ring magpapasok sa kaniya. Lahat po sa amin ay nakatatak sa aming isipan ang utos sa amin." sambit ni Gem.
Tsk! Gagawin niya talaga ang lahat makuha lang ang gusto niya.
"Get her in." wika ko,
"What?/Po?" magkasabay na react nina Gem at Narlyn.
"Do whatever she wants." I added.
Tumingin ako kay Gem.
"Don't worry, tell Dr. Quinly that it was my order. He will understand that." I give her a smile.
Umalis na ako sa pagkakasandal sa counter, and leave.
"What is your plan?" Narlyn asked.
"Introduce myself. She said she's my friend. Then I'd like to meet her." I answered.
I secretly smirked.
"No! No! No! Not there! Bring me into the VIP room, and I want Dr. Quinly as my personal doctor." Sabay kaming napahinto ni Narlyn sa paglalakad nang marinig namin ang salitang iyon.
Sabay pa kaming nagkatinginan ni Narlyn with taas kilay.
"Wow! What a demanding girl she is." Narlyn's commented.
May humintong nurse at tumingin sa akin. I nod at him. Mabilis siyang tumango at patakbong sumunod sa itinatakbo nilang pasiyente na daig pa ang iyong manganganak.
"Do you want to come with me? Let's visit her. She'll be added to your list." nakangising ani ko saka sumunod na rin ako sa itinatakbong pasyente.
"Hey, w-what?" pagtutol niya.
"No way! I don't want that bitch ruin my patients list." patuloy niyang reklamo habang sinusundan niya ako.
Nakasalubong namin iyong lalaking nurse na tinanguan ko kanina.
BINABASA MO ANG
First And Forever
AcakPheem and Chant have been married for six years. During that year, she never received love from Chant because the only woman he loves is her stepsister, who suddenly disappeared. When her stepsister came back. Chant didn't hesitate to divorce Pheem...