Chapter #3

406 7 1
                                    


ALERYA'S P.O.V

Habang pasakay kami sa bus ay hindi ko maiwasang hindi mapalingon sa isang tao na kakapasok lang sa kanilang sasakyan.

Nang hindi ko na siya nakita pa ay humakbang at pumasok na ako sa loob ng bus. Umupo ako sa bandang gitna. Hindi nagtagal ay umupo rin sa katabi kong upuan si Kath na kasama ko rito sa medical mission.

Speaking of medical mission, kababalik lang namin dito sa pilipinas ng inutusan kaagad ako ni Dad na maging volunteer dito sa medical mission na ito. Siya dapat ang gagawa nito pero dahil daw marami siyang gawain kaya ako ang nautusan.

At ang buong akala ko ay days lang pero hindi ko inakalang buong linggo pala kaya inis na inis ako sa buong linggo. Hindi ako makareklamo kay Dad kasi walang signal sa lugar.

"You do like him?" biglang tanong ni Kath kasabay din nito ang pag-andar ng bus.

"Who?" kunot-noong tanong ko.

"Ayieee! Maang-maangan ka pa, e." panunukso niya.

Tinaasan ko siya ng kilay at tiningnan siya nang masama.

"Dr. Quinly," pagpapangalan niya sa taong tinutukoy niya.

Umaliwalas kaagad ang mukha ko pagkarinig ko sa pangalan niya. Hindi ko napigilang hindi ngumiti.

"Siya 'yong tinitingnan mo kanina. At saka, akala mo ba hindi ko napapansin na sa buong linggo nating pag-stay ay sa kaniya lang dumadapo ang tingin mo." saad niya pa na mayr'ong pang-aasar sa kaniyang mukha.

Well, I won't deny it.

Dr. Quinly is a handsome man. He is also manly and a good person. At isa pa, napahanga niya ako sa angking galing niya bilang doktor. He knows how to handle the worst situation when it comes to his patient.

I just realized that being in here on this medical mission wasn't bad at all. Kung hindi ako pinilit ni Dad at kung hindi ako sumama, hindi ko siya makikilala.

Dumako ang tingin ko kay Kath nang marinig ko siyang malalim na bumuntong hininga.

"But sadly, my friend. You're too late to get him." saad niya,

Kumunot ang aking noo na kinalaunan ay tumaas ang dulo ng kilay ko.

"And why?" I asked.

"I heard that Dr. Quinly is married." sagot niya.

Mabilis akong napalingon sa kaniya na mayr'ong naglalakihang mata sa gulat.

"What?" ani ko na mayr'ong kalakasang boses dahilan para dumako ang tingin sa aming direksiyon ang iba pa naming kasama sa bus.

Hindi ko pinansin ang mga tingin nila dahil talagang nagulat ako sa aking nalaman. Hindi ko nagawang makalapit kay Dr. Quinly ng malapitan kaya hindi ko napansin kong may suot ba siya ng singsing or wala.

What the hell!

No way!

Habang iniisip ko na mayr'on na siyang asawa ay napangisi na lamang ako.

"Hey! Hey! Hey! My friend, I don't like that kind of smirk. I know what the meaning of that smirked of yours is." saad ni Kath.

Mas lumawak ang ngisi ko nang bumaling ako sa kaniya.

"It's not a problem. He is just married." balewalang ani ko.

Minsan na akong nang-agaw at nagtagumpay ako. Walang hindi ko nakukuha. Kung ano ang gusto ko ay nakukuha ko.

"No freaking way, Alerya!" hindi makapaniwalang saad niya.

"Don't tell me? The heck, Alerya? You are really into him? Seriously?" dagdag niya pa.

First And Forever Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon