74

9 1 0
                                        

MESSENGER

6:00 AM

Jela:
Ely!!!!!!!

Missed video call

Missed video call

seen

Eloira:
hmm?

Jela:
Sino 'yang lalaki ang nakatayo
sa tapat ng bahay niyo ngayon?

Eloira:
Huh? Meron ba?

Jela:
Yes!

Magahahatid sana ako ng hotcakes
d'yan sa bahay kaso nakita ko si Jarrell!

Eloira;
Baka namamalikmata ka lang.

Jela:
Kung pwede lang sana, kaso hindi eh!

Eloira:
Wait, check ko sa labas.

offline

••••••

"Ely! May nag aantay sa'yo sa labas." Sigaw ni Nanay habang nagluluto nang breakfast sa kusina. Napahawak pa ako sa noo at sa aking leeg habang naglakad pababa sa hagdan. Medyo nanghihina pa rin ako na para bang gusto ko nalang matulog buong araw sa kwarto.

I scratched my head, "Sabi nga rin ni Jela...may lalaki raw nakatayo sa labas ng bahay natin nay. Wait, tingnan ko kung sino." Sagot ko naman at dali-dali kong nilakad ang pinto saka binuksan.

Nadatnan ko si Jarrell na nakatayo sa kilid ng gate namin. Suot ang kanyang school uniform, nanatili lang nakabukas upang makita ang kanyang puting sando. At nakasuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang slacks, nakasabit pa sa kaliwang braso ang bag na nagbibigay magandang kahulugan, badboy.

Maraming tanong ang pumasok sa utak ko kung bakit pa siya pumunta dito lalo na magkaiba naman yung directions ng bahay namin sa kanila.

"Masama pa rin ba yung katawan mo?" Mahina niyang tanong na hindi pa rin nakatingin sa akin.

I immediately nod and then crossed my arms.

"S-so....hindi ka pa pwedeng pumasok?

Diyan na ako natawa, "Syempre hindi pa talaga ako pwedeng pumasok...mahirap na kung mas lumalala pa ang lagnat ko kapag papasok pa ako sa school ngayon." I replied, kaya napansin ko na namang dumukot siya ng lollipop at kinain 'yon.

Agad niyang binuksan ang backpack at parang may hinahanap, "Pinapabigay pala ng mabait kong kapatid itong cool fever. Nalaman rin kasi niya na may lagnat ka kaya binilhan ka bilang pasasalamat rin sa pagtuturo mo sa kanya...." Napatingin naman ako sa binigay niyang cool fever bago ito tinanggap at ngumiti.

"Thank you...nag abala pa talaga si cute boy."

Napakamot siya sa batok, "Uhm, alis na ako ah? Kailangan ko pang pumasok sa school...malapit na yung 2nd quarter examination kaya need kong humabol sa mga lessons namin." Kaagad niyang paalam sa'kin saka naglakad palayo.

"Sabihin mo lang sa'kin kung—" Napabuntong hininga nalang ako nang agad na itong nawala sa paningin ko, dahil tumakbo ito ng mabilis.

Muli na akong pumasok sa loob ng bahay habang dala-dala ang limang piraso ng cool fever. Napakamot pa ako sa ulo nang makapasok ulit ako sa aking kwarto, nakita pa 'yon ni Nanay habang nanood ng tv sa maliit naming sala.

I feel that this pack of cool fever is from him, not his elder brother. He's just making an excuses?

BadWhere stories live. Discover now