108

14 2 0
                                        

Jarrell's POV

Wengya. That would be the first time she commented on my twitter post, and makes
me feel happy about that words. Nagmukha na akong tanga sa mga pinaggagawa ko sa buhay. Everytime we studied for the upcoming open class, ay mas lalo akong nahuhulog mula kay Eloira.

Pansamantala akong tumatambay sa kwarto habang nakabukas ang pinto, tanghali na akong nagising kaya hindi ko na naiisip na ngayon pala siya pupunta dito sa bahay.

"How's your study with Eloira again, nak?" Mom asked, with a big smile on her face.

Naghahanda siya ng brunch para sa'min. Eloira just called my Mom earlier to brought some collection books in the library. Mabilis naman na kumilos si mommy kahit may online meeting pa sila that time, para lang may mahandang pagkain ni Eloira.

The door bell rang and I already heard Eloira's voice in our main gate. Sumenyas si Mom na ako na ang magbukas ng gate habang inaasikaso pa rin ang pagkain. Napakamot nalang ako sa ulo bago ako tumayo mula sa pagkakaupo sa gaming chair.

She genuinely smiled at me, "Si tita? Nandito ba siya sa bahay n'yo?" Tanong niya agad pagkatapos kong buksan ang gate.

"Nasa loob mishii." Sagot ko naman pabalik saka kinuha ang dinadala niyang books saka pinauna siyang pinapasok sa gate. "Pumasok ka muna sa loob para hindi ka maiinitan sa araw. Ba't manipis ang suot mong shirt? Ang init-init ng panahon ngayon." Dagdag pa na sabi ko kaya kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat.

"Nagmamadali na kasi ako kaya ito nalang ang naisuot ko ngayon. Teka, naliligo ka na ba?"

Napatigil ako sa paglalakad at sinisinghot-singhot ang sarili ko. Tangek! Hindi pa pala ako nakaligo mula pa kaninang umaga. Imbes na sumagot ulit ako kay mishi ay mabilis na akong kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto at kaagad pumunta sa banyo para maligo.

Bumungad sa'kin ang mga tawanan nina mishi at mommy mula sa living room habang nanonood ng news sa TV nang matapos na akong mag shower. Tahimik lang akong nakaupo sa kanang sofa na nakahalukipkip ang mga kamay ko. Nakasuot lang ako ng puting sando sa pang ibabaw kaya nag aagaw pansin ang mga malalaki kong braso at aking brown cargo short.

"Eloira, hindi ba mahirap turuan itong anak ko sa study sessions n'yo?" Lumingon si Mom sa aking pwesto saka muling ngumiti ni Eloira na nasa giliran lang niya.

Napakagat labi siya sa tanong ni Mom, "Hindi naman ho tita, ang tanging problema lang ni Jarrell ay hindi niya magawa ang time management. Mas pinahahalagahan lang niya ang gumala kasama ang mga kabarkada kaysa sa pag aaral." Siya naman ang lumingon sa gawi ko at direktang tipid na ngumiti.

"Well...that's was my habit before. Maraming magagandang babae ang gusto akong turuan sa pag-aaral, mishi. Kaya huwag mong i-judge ang pagkatao ko." Depensa ko pa sa sarili ko kaya binatukan agad ako ni Mom para mapahiyaw ako sa sakit.

Kahit totoo naman ang sinabi ko, tss.

Mom pinched my left ear, "Sinabihan na kita noon pa na huwag ka magsalita ng mga ganyan sa harap ng isang babae, where's your manners son? Hindi kita pinalaki ng ganyan....o nakuha mo lang 'yan sa mga friends mo...ano?" Mahinahon na pahayag ni Mom para mapabuntong-hininga nalang ako.

"Uh...okay lang po, tita. Nasanay na rin ako na ganyan yung inaasta ni Jarrell. And part na rin 'yon sa pag di-disiplina ko sa kanya. Kumbaga, inaasar ko lang siya ngayon."

"O'siya, maiwan ko muna kayo sa bahay. May iattend pa akong meeting ngayong 1 pm." Hindi pa rin niwala ang tingin ni Mom sa'kin na para bang binalaan ako na magpakabait kay Eloira. "And Jarrell..."

"Yes mom?" I immediately said.

"Make sure na hindi maiilang sa'yo si Eloira dito sa bahay habang wala ako. You know what to do son...am I clear?" Ulit niyang sabi kaya mabilis akong tumango, kaya tumayo na si Mom at nag paalam sa'min.

***

"Mishi. Wala ka na bang ibang gagawin kundi ang mag aral ng mabuti?"

Nasa loob kaming dalawa sa kwarto ko. Hinayaan ko nalang na nakabukas ang pinto bilang respeto na rin kay Eloira, baka kasi ano-ano na naman ang iisipin niya kung sakaling inisirado ko ito. Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa notebooks niya habang may sino-solve na formula na parang walang balak na sagutin ang tanong ko.

"Ano ba ang unang naiisip mo kapag ang isang tao ay palaging pag aaral lang ang inaatupag, Jarrell?" Balik niyang tanong, na patuloy pa rin sa kanyang ginagawa.

"Pangarap at makakuha ng mataas na grades?"

Para sa akin, iyon ang tanging rason tungkol d'yan.

Tumango siya bilang tugon saka ngumiti, "Exactly, once napupunta ka sa honor list...kinakailangan talaga namin na i maintain ang academics sa personal stuff. We're born with this, kaya hindi na bago sa ibang tao kung bakit palagi lang pag aaral ang focus namin mula umaga hanggang gabi." She explained briefly with a concise thoughts.

"Hindi ba kayo napapagod?"

"Napapagod din naman, Jarrell. Iba kasi sa feeling na wala kang maisasagot during quizzes or examination, big deal sa amin 'yon. We're crying for having a bad grades kaya pinu-push pa rin ang mga sarili namin na mag aral kahit inaantok or napapagod."

Hindi ako nakapagsalita agad at muling tinuon ang tingin ko sa reviewers ko. Ang hirap pala maging isang honor student, nandoon yung efforts, pagod at sakit para lang makakuha ng malaking grades. As of now, I felt guilty for Eloira. Dapat nga hindi ko basta basta inibalewala ang grades ko, and sabi ni Mom, kapag nakatungtong ako sa college, may ilang schools na maarte pagdating sa academic grades.

"Nahihirapan ka ba mag study? Kanina ka pa nakatulala d'yan sa reviewer mo e." Napabalik ako sa katinuan nang magtanong si Eloira. Nakatingin siya sa'kin habang nakakunot ang noo, ang cute niyang tingnan sa expression niya.

Umiling ako, "Hindi naman, Mishi. Actually, ang madali ko nga naintindihan itong ginawa mong reviewer para sa'kin. Iniisip ko na nga na baka makakapasok ako sa honor nito dahil sa tips mo." Nisadya ko talaga na idaan sa biro ang sinabi ko, ngunit hindi ko inaasahan na matawa si Eloira ng malakas habang nakatakip ang bibig.

Mas umaangat ang ganda ni Eloira kapag palaging nakangiti. Kung palagi ko lang siyang pinagmasdan baka masabi kong buo na ang araw kahit sa simpleng ngiti lang niya. Napaiwas ako ng tingin dahil naramdaman ko ang kilig sa buong sistema ng katawan ko, baka pagkatapos ng study sessions namin ay masasabi ko na baka mas lalo akong magkakagusto ni Eloira.

"Alam mo....mishi. Masasabi ko na sobrang proud ako sa'yo dahil nakaya mo lahat bilang isang studyante, struggles, expectations at stress sa school stuff. Kaya hindi pinagtataka kung bakit gustong-gusto ni Mom na ikaw ang magiging tutor ko."

And you are the reason why I'm still fighting the challenges I've been facing today.

__________________________________________________________________________________

BadWhere stories live. Discover now