121

18 0 0
                                        

Eloira's POV

Nakatungkod ang dalawang siko ko sa mesa habang nakapatong ang pisngi sa aking mga palad. I was watching Jarrell while cleaning to my father's jeepney. Ilang buwan na rin ang nakakalipas bago niya ulit ito nalinisan, madalas kasing umuulan dito sa province namin—minsan nga kaya naisipan ko munang magpahinga sa pag aaral at mabigyan rin ng time ang sarili ko na magpahinga.

Maulap ang kalangitan nang matingnan ko ito ng matagalan. Kahit gaano man ito kaitim, hindi pa rin sila tumitigil sa paglilinis. Nais ko sana tumulong upang mas mapadali ang trabaho ngunit pinigilan ako ni Jarrell dahil hindi raw ako nababagay sa mga ganyang gawain.

"Ilang buwan mo na bang nililigawan ang anak ko, iho?" Mapang-aasar na tanong ni tatay, na kahit minsan lang sila nagkikita dito sa aming bahay.

"Mga dalawang linggo palang ho, Tito."

Natawa si tatay sa sagot ni Jarrell, "Naku..iho baka hindi mo masyadong ginalingan....kaya hindi ka pa sinasagot ng anak ko. Pero ito lang ang maipapayo ko sa'yo..." Patuloy ni tatay sa pagsasalita na pahilim na sumusulyap sa'kin. Napaiwas agad ako ng tingin nang sumunod ring lumingon si Jarrell.

Nasa taas kasi ako ng balcony pansamantalang umuupo, maaliwalas kasing tingnan ang paligid kapag dito ako tumatambay. Si Jarrell at Tatay nasa labas lang ng gate namin na naglilinis kaya Kitang-kita dito mula sa taas ang mga pinaggagawa nila at maririnig ko rin ang kanilang pinag uusapan na tungkol lang naman sa'kin.

"Kung hangga't saan pa man patungo ang tadhana mula sa'yo iho, h'wag na h'wag mong sasabihin ang mga salitang; 'susuko na ako dahil hindi naman ako kayang mahalin pabalik ni Eloira'. At dahil nililigawan mo siya....ibig sabihin ay nais mong mahulog din ang anak ko sa'yo. Makukuha mo rin ang matamis na 'Oo' kapag oras n'yo na."

He gently smiled at him, "Kahit umabot pa 'yan ng ilang taon tito....si eloira pa rin ang liligawan ko." Saad pa nito na hindi pa rin inialis ang tingin niya kung saan ako nakaupo dito sa may balcony.

"Ely, maghanda ka muna ng meryenda. Kanina pa pana'y senyas ang tatay mo sa'yo." Boses ni Nanay mula sa kusina kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya para tulungan.

Pagkarating ko sa aming kusina ay nadatnan ko agad si Nanay na may niluluto sa stove. May saba na saging ang nakahanda sa maliit naming mesa, may nakita rin akong lumpia wrapper na nakabukas—parang gagawing  turon ang mga ito.

Kumuha ako ng silya saka umupo sa harap ng mga nakahanda sa may mesa, "Nay? Saan mo nabili ang ganitong karaming saba na saging? Palagi kasi ta'yong nauubusan sa palengke kaya nakakapagtataka kung saan mo 'to nabili?" Hindi makapaniwalang tanong ko dahilan upang matawa siya at agad akong nakanguso sa kanya.

"Si Jarrell ang bumili niya'n sa palengke...kaninang madaling araw. Gusto ka sanang isama sa pamamalengke kaso tulog mantika ka pa sa ganyang oras." Asar ni Nanay habang ini-wrap ang isang saba ng saging sa lumpia wrapper.

"Nay naman! Napapagod lang po!" I exclaimed.

"Ely, hindi ka kailan man napapagod....nagkataon lang na lagi ka nalang natutulog kapag bumibisita dito si Jarrell sa bahay....ang manliligaw mo." Sabat rin ni Tatay na kakapasok lang sa loob ng bahay, kasama si Jarrell na pawis ang mukha.

I saw him smirked at me while wiping his forehead with his brown shirt. Nanlaki ang mata ko nang makita ang six pack abs niya nang matapos maitaas ang shirt niya, tinakpan ko nalang ang aking mukha dahil sa hiyang naramdaman.

Napansin ni Nanay ang kahihiyan ko, mabilis agad akong napatayo sa kinauupuan, "A-Ah nay...kukunin ko lang muna po yung mga sinampay natin sa labas....mukha'ng uulan kasi. Sayang naman kung mauulanan lang yung mga sinampay diba." Panghuling sabi ko sabay kuripas ng takbo papunta sa likuran ng laundry area kung saan nakasampay yung mga bagong labang uniform ko.

BadWhere stories live. Discover now