Chapter 13

1.4K 8 1
                                    

Charlie

Halos nahihilo na ako habang nasa biyahe dahil paiba-iba ng isip or desisyon ang Micca ko.One month pregnant na ang baby ko. Shit ang daming pinapabili sakin prutas at ayon naglilihi. Kahit sa kalagitnaan ng hating gabi panay ang nguya ng bibig. Panay ng kain mas lalo tumakaw kung saan nag buntis.

Sa wakas magiging tatay na ako, katulad na ako ni Daddy may anak,pero ang masaklap lang hindi nakasama ni Daddy si Mommy noon binubuntis ang unang anak nila si Ate Scarlet.

Ang sabi ni Daddy nakita niya may batang palaboy-laboy noon sa America, unang kita niya palang sa bata ay magaan na ang loob niya sa bata, Nakilala niya ito dahil sinabi ng batang babae ang buong pangalan niya. Nagulat siya dahil apelyido niya ang sinabi ng bata.

Anak pala nila ni Mommy si Ate Scarlet. Hindi basta-basta ang pinagdadaanan ng Magulang ko para ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Sa huli mas nanaig parin ang kanilang wagas na pag-iibigan kaya nagsama sila ulit. Pinakasalan ni Daddy si Mommy sa simbahan kahit maraming hadlang sa paligid.

Hinawakan ko ng mahigpit ang manibela ng sasakyan ko. Saan kaya ako makakahanap ng kasoy!

Anak naman ng teteng oh! Sumasakit ang isip ko sa kakaisip.Nag chat ako sa group chat, magtanong-tanong sana kung saan nakakabili ng kasoy.

Shit.

Sabi ni Leo sa Puerto Princesa City Palawan may kasoy daw yun, may sinabi siya Pangalan ng farm at doon mabibili ang bunga ng kasoy at buto. Tinawagan ko si Oliver na mag book ng ticket agad papunta sa Puerto Princesa City Palawan para makabili ng kasoy dahil naglilihi ang Micca ko.

Masyado ako busy sa pinapagawa ko Coffee shop. Gahol at wala akong oras pumunta sa Palawan para bumili lang ng kasoy, siya ang bahala doon bumili.

Pumunta ako sa Palengke para bumili ng mga pinapabili sakin ni Micca. May hilaw na Manga, may Lansones, may bayabas at ibapa.

"Manang pabili nga po ng tatlong kilong manga, Tatlong kilong lansones at dalawang kilong bayabas" sabi ko sa Matanda tindera. Bigla siya tumawa sa harapan ko.

"Naku hijo bakit ang dami mong binili mga prutas?" Tanong niya.

"Manang matakaw kasi sa prutas ang asawa ko dahil naglilihi, first baby namin po" sabi ko.

"Talaga, ay dapat maraming prutas ang kainin ng asawa mo dahil matakaw dahil naglilihi" Saad niya.

Napabuntong hininga ako.

"K-Kaya nga Manang marami binili ko para magpakasawa siya kumain, kahit sa gabi gising na gising at kumakain po" Saad ko.

"G-Ganun talaga ang mga nagbubuntis hijo, matakaw kumain ng mga prutas at depende sa gusto nilang kainin, six hundred thirty pesos lahat" Saad niya.

"Salamat Manang"Binigay ko sa kaniya ang bayad ko.

Nagmamadali ako bumalik sa bahay at nakita ko si Micca sa Kusina kumakain ng Ube ice cream. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Ang aga-aga ice cream agad yan kinakain mo Micca, nag breakfast kaba bago kumain niyan?" Tanong ko.

"Oo nag prito ako ng hotdog at itlog bago ako kumain ng ice cream, kasalanan mo to kasi binuntis mo ako kaya mag suffer ka" Saad niya.

Nilapag ko ang mga plastic bag sa ibabaw ng kitchen corner. Inalis ko sa Plastic bag ang mga prutas at tsaka hinugasan.

"Micca ano ba yan pagkain mo ng ice cream, kumalat sa gilid ng labi mo" sabi ko.

"Masarap eh, hayaan mo nalang ako, kasalanan mo ito kasi binuntis mo ako kaya mag suffer ka" Saad niya.

"Kung sabagay" sabi ko nalang. Sa amin dalawa siya ang palagi panalo.

Pleasure me, Ninong [Complete]Where stories live. Discover now