James' POV
Gaya nga ng sinabi ni Sir,pumunta ako sa Library.Ako lang,ayaw kasi nila kong samahan.
Oh?Si Hayate yon ah?
Oh?Sinong kausap niya?
Ang ganda ng babae!
Kumuha ako ng libro about sa Entomology Subject,saka nagtungo sa malapit sa kanila.Hindi ko na sila nakikita ngayon,at ganoon din sila sakin,pero maaari ko naman silabg narinig.
Mabuti na lang at Library to,kaya naman may mga book shelf at may mga libro bawat book shelf.
"Mag-isa ka na naman?", dinig ko ang boses ng babae.
"Ikaw na naman?", bored na tanong ni Hayate.
"Parang ayaw mo sakin ah?"
"Litaw ka ba naman kasi ng litaw,ano ka kabuti?"
"Ang bad mo!Pasalamat ka nga,sinamahan kita dito eh!"
"Sinabi ko bang samahan mo ko?"
"Hoy!Isumbong kita dyan eh!"
"Shu,umalis ka na,magsusumbong ka pala eh", pagtataboy ni Hayate."Oh?Ba't andito ka pa?Alis na!"
"Sapakin kita dyan eh!"
"Wala akong pakialam Morgan"
"I hate you!"
"I hate you more"
"Grrrrr!", nadinig kong sabi ng babae,bago umalis.
Napatalon ako sa gulat,dahil biglang may humawak sa balikat ko.Nang lingunin ko ay si Hayate.
"Ba't ba nanggugulat ka?!", angil ko.
"Nanggugulat?Hindi kita ginulat,nagulat ka lang", nguwing sabi niya,saka naupo sa tabi ko."Sa Saturday,punta kayo sa bahay ko,gawin natin yung sa Entomology Research Subject"
"San ba bahay mo?"
"Sa bahay ni Reine"
"Huh?Ano?", takang tanong ko,kunot na ang noo.
"Magkasama kami ni Reine sa bahay"
"Ah,oo nga pala,magpinsan kayo"
"Oh?How did you know that?"
"Sinabi niya kanina"
"Oh?Sayo?"
"Hindi lang sakin,sa buong klase"
"Just come to my house,on Saturday", sabi niya."Next week pa naman ipapasa"
"San ba address nyo?"
"Tanong mo sa Reinedeer", sagot niya,saka umalis.
Baliw din?Reindeer?Meron ba dito non?Ewan!
Dahil wala naman akong gagawin dito,lumabas na ako ng Library.
Actually,nagkainteres kasi ako kina Hayate at doon sa babae kanina,kaya nagkunwari akong nagbabasa.
Girlfriend niya kaya yon?
Pagbalik ko sa classroom,wala ng mga tao.
Uwian na nga pala!
Dahil uwian na,lumabas na rin ako nitong academy.
Dahil wala pa kong lisensya,dahil seventeen pa lang ako,sumakay ako ng jeep.
Nang makarating sa Arveria Village,bumaba na ako.
Nilakad ko lang ang bahay namin na halos nasa dulo na nitong village.
Arveria Village means Arroyo-Velasco-Schendaria.
Yes,this village built by our grandfathers,kaya naman kilala kami dito.
"Sir,aga ng uwian ah?", nakangiting sambit ng isang guard.
"First day po", sagot ko.
"Pasok ka na,Sir", sabi niya sakin,taka naman akong tiningnan sya.
"Bakit ho?", kabadong tanong ko.
"May baliw ho kasi dito kanina,mabuti na lang at nandito ko,dahil kung hindi kawawa yung pinsan ninyo", sabi niya,kumunot naman ang noo ko."Namamato kasi yon ng bote,kaya naman kapag nakikita ko yon ay pinapaalis ko,mahirap na"
"Sige po,ingat po kayo", sabi ko,saka pumasok sa loob nitong village.Nakita ko pa ang ilang mga guards nagroronda dito sa mismong loob ng village.
Mukhang mapanganib nga yung baliw na yon ah?
Nang makarating ako sa bahay,ay mansyon pala namin,nakita kong maraming mga guards.
Even here?Seryoso ba to?
Hindi ko na lang sila pinansin at pumasok na ko sa mansyon namin.
Pagpasok ko ay inabutan ko sina insan,Rachel,Lara,Ellise,at Reine.
"Insan,punta daw tayo sa bahay ni Hayate sa Sabado,para gawin yung sa Entomology Research Subject", sabi ko.
"Ano bang address ng bahay nya?"
"Ewan"
"Paano natin malalaman yon?"
"Itanong daw natin sa Reindeer", sagot ko,nakita kong bigla akong tiningnan ni Reine ng masama."Luh?May sinabi ba kong masama?", takang tanong ko kay Reine.
"Hindi ba obvious?Siraulo talaga yung Hayate na yon!", angil ni Reine.
"Huh?"
"Inaasar ako non!Nakakainis!Tawag nya sakin Reinedeer!"
"Ah", nasabi ko lang."Sige na,maiwan ko muna kayo,magbibihis ako", paalam ko,saka umakyat.
Tinanggal ko ang sapatos at medya ko at nagpahinga muna,bago nagtungo sa cr para maglinis ng katawan ko.
YOU ARE READING
Catastrophe for Loving You(Season 1)
RandomTwo people who are unexpected to fall in love with each other.It is good or bad?