Part 2

2 0 0
                                    

                                  Zhy's POV

Kung pwede lang ihagis ang mga vase na nandito sa bahay, inihagis ko na sana kanina pa kay James.

"JAMES!", inis kong sigaw.

"Hoy, Arroyo, ba't ba ang tagal mo?!", angil naman ni Rachel.

"Anak ng? James, bilisan mo naman!", inis din na sabi ni Eugene. "Late na tayo!"

Kanina pa kasi sya sa cr, pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin sya.

"Wala pa ngang ala-sais oh!", itinuro nya pa ang wall clock nang makalabas sya. "Kung makamadali, akala mo naman late na!"

"Mas mabuti nang maaga, kesa late!", asik naman ni Rachel.

"Mga babae talaga ang iingay!", napapakamot pa sa ulong sabi nya,kaya naman inis namin syang tiningnan.

"Sakit ba naman sa ulo ang mga lalaki!", banat naman ni Rachel.

"Wow!Kayo nga yung mga sakit sa ulo, dahil ang ingay ninyo!"

"Mag-iingay ba kami kung mabilis kang kumilos? Kalalaking tao, ang bagal-bagal!"

"Will you please shut up?!"

"Will you please just move?!!!"

Dahil sa kawalan ng masabi ay umalis si James na masama ang tingin kay Rachel, na ganun din ang tingin sa kanya.

My gosh!I can't believed this!

Sa inis ko ay lumabas na ko nitong mansyon namin, at sumakay sa kotse ni Eugene.

"Finally!", inis kong sigaw,matapos sumakay ng tatlo dito sa kotse. "Ang babagal nyo ah!Lalo na ikaw!", sigaw ko kay James, habang nakaturo sa kanya.

Nang makarating sa academy ay nauna na akong bumaba sa kotse, para puntahan ang room namin.

Sa pagkakaalam ko nandito lang yun banda eh?

Hindi nga ako nagkamali, dahil nakita ko agad ang room na hinahanap ko sa tabi ng Math Hall.

Mabuti na lang at wala pang mentor nang makarating kami or should I say ako?

"Nakakainis ka!Hindi mo ko hinintay!", reklamo ni Rachel.

"Sorry, ang bagal nyo kasi eh", sabi ko lang.

"Paano ba naman kasi itong James na to hinabol ako pagkatapos hinila itong bag ko, kaya halos mapasubsob kami sa lupa!Nakakainis!", inis na inis nyang kwento, inambaan pa si James ng suntok.

Agad silang naupo nang makitang pumasok si Sir Sandoval.

"Lahat ng mga upuan may mga surname,tingnan nyo na lang", utos ni Sir. "Kung nasaan ang mga apelyido ninyo,doon kayo maupo"

Thankfully, tama ang naupuan ko, and magkatabi kami ni Rachel.

Agad na nagsilipatan ng ibang upuan ang mga kaklase pa naming iba.

Nakita naming pumasok si Reine na may kasamang isang lalaki.

"Hanapin nyo ang apelyido ninyo at doon maupo", utos sa kanila ni Sir Sandoval na agad naman nilang ginawa.

"Ang layo ko!", simangot na sabi ni Reine, nakita naming naglakad sya papunta sa dulo.

Ilang minuto lang din ay marami nang pumapasok sa room namin, at halos mapuno na kami dito.

"Since, nandito na naman ang halos lahat", panimula ni Sir."Kumuha kayo ng notebook", utos ni Sir na agad naman naming sinunod.

"Nakakuha na po ko Sir!", sigaw ni James.

"Oo nakita ko nga", sarkastikong sabi ni Sir, saka tumalim ang tingin nya kay James. "Pinahintulutan na ba kitang magsalita?", napatungo naman si James.

Bastos kasi eh!

"Good Morning everyone,I am Khairo Sandoval, your Math Mentor and your Class Adviser", pakilala nya. "Boys first!Fall in line,bubunot kayo dito sa jar", utos ni Sir. "According to your height"

Agad namang pumila ang mga lalaki.

"Don't open!Ang magbubukas,hindi na pwedeng pumasok bukas", babala ni Sir. "Sabay-sabay nyong bubuksan iyan, pagkatapos ng mga girls!"

Matapos bumunot naming mga girls ay inutusan kami ni Sir na i-open ang paper.

16?

"Ano po to Sir?", takang tanong ni Ellise.

"Sinong nakakuha ng number 1?", imbes na sagutin ay nagtanong si Sir, nakita ko namang nagtaas ng kamay ang katabi ko. "Tumayo ka dito sa harapan", utos sa kanya ni Sir kaya naman tumayo sya doon sa harapan.

Nakita pa naming sumandal ito sa white board na tila buryong-buryo!

Inutusan ni Sir ang lalaki na tumayo ng tuwid na agad naman nitong ginawa, pagkatapos ay pinatayo lahat ng mga even numbers ang nabunot.

"Mamili ka sa kanila", sabi ni Sir.

"Williams, Sir", sagot nito.

"Sure?"

"Yes, Sir"

"Okay, maaari ka nang maupo", sabi lang ni Sir, kaya naman naupo na ito."Williams already chosen, bawal na syang piliin", sabi ni Sir. "Nakabunot ng three?"

Magkaano-ano kaya sila ni Reine?Don't tell me na boyfriend nya ang lalaking yan?

"Sir!", nagtaas naman ng kamay si Eugene.

"Velasco, pumili ka na sa mga nakatayo", utos ni Sir.

"Zeroine, Sir", sagot nya.

"Ah, ganun?Itinakwil mo agad ako?", kunwaring nagtatampong sambit naman ni Xander. Halos umikot naman ang itim ng mga mata ko.

"Tama na yan!", saway sa kanila ni Sir. "Number 5?"

"Sayang, dapat si Reine sakin eh!", sabi naman ni Ellise, since then sila na talaga ang bestfriends.

"Sorry sis, pili ka na lang ng iba", sabi ni Reine.

"Ano pa bang magagawa ko?", nanghihinayang na usal ni Ellise. "Sige na ikaw na!Panay pa-cute ka dyan!Piernavieja, Sir", sabi ni Ellise.

"Yown!", masayang sabi naman ni Xander. "Sana pala nagpa-cute din ako kay Baby Eugene, baka sakaling ako din pinili nya", sabi nya at marami ang tumawa.

"Kadiri ka pre!", tugon naman ni Eugene at marami ring tumawa.

Nagtuloy-tuloy lang ang pagpili ng mga odd numbers hanggang sa maubos kaming mga even numbers. Thankfully si Lara ang pumili sakin, samantalang si Irish naman ang pumili kay Rachel.

Matapos ang morning class halos mag-unahan sa paglabas ang mga kaklase namin.

Catastrophe for Loving You(Season 1)Where stories live. Discover now