Part 5

3 0 0
                                    

                                 Hayate's POV

Eksaktong paglabas ng Mentor namin sa Entomology Research Subject, sya namang pasok ni Sir Sandoval.

"Everyone,sitting arrangement tayo", agad na nag-ingay ang mga kaklase ko,dahil sa sinabi ni Sir. "Ano na naman? Mag-iingay ba kayo, o pupunta sa labas? Move! Ang tatawagin ko, sya ang unang papasok!"

"Miyamoto, Velasco, and Almanzor!", tawag samin ni Sir. "Dito kayo sa unahan", turo nya sa inalisan ng mga madadaldal.

"Kawawa po Sir yung mga pandak", tiningnan lang ni Sir ng masama si Eugene dahil sa sinabi nya.

Nagtawag pa si Sir hanggang maubos ang lahat ng mga nasa labas ng room.

"Everyone, listen", utos ni Sir kaya naman nakinig kami. "Yan ang pagkakasunod-sunod ninyo, mula ranked 1 dito kay Miyamoto, 2nd Velasco, and 3rd Almanzor"

"Silang tatlo ang nangunguna sa section ninyo", patuloy ni Sir. "40 kayo ngayon,right?", tanong pa ni Sir. "Pero kung akala ninyo na mananatili kayo dito, diyan kayo nagkakamali!"

"Dahil ang average na kailangan ninyong i-maintain ay at least 93!", patuloy ni Sir,kaya nag-ingay ang mga kaklase ko.

"Ang taas naman non?"

"The heck?"

"Paano ko aabutin yon?"

"Ang hirap pa naman ng mga exams dito!"

"Silence!", saway ni Sir at agad namang tumahimik. "Kung ayaw nyong mawala dito sa section na ito, mag-aral mabuti, hindi puro lakwatsa! Make-up! Shopping!o kaya naman puro relasyon ninyo ang inaatupag ninyo, ang babata nyo pa!", asik ni Sir. "Unahin nyo muna ang pag-aaral, bago kayo pumasok sa isang relasyon! At kung may mga karelasyon naman kayo, sabay kayo mag-aral!", pangaral ni Sir. "Mag-aral ng mga naging at magiging lesson nyo dito sa academy ha? Baka mamaya ang pag-aralan nyo ay ang gumawa ng bata?Sinasabi ko sa inyo, pag-uuntugin ko kayo?", maraming tumawa dahil sa sinabi ni Sir. "Since hindi ko nakuha ang list ng mga average nyo ay sasabihin ko iyon,.pagkatapos ng lahat ng mga klase ninyo para sa first day ninyo", matapos sabihin iyon ay agad nang lumabas si Sir.

Dahil wala namang gagawin ay lumabas ako ng room.

Agad kong tinungo ang Laboratory ni Ms.Resencia, kumatok ako at bumukas naman ang pinto.

"Come in", utos ni Ms.Resencia. "Here's your Insectarium Garden Badge", iniabot niya sakin ang isanh crimson badge na may mga insekto at arthropod na nakaburda.

"Thanks, Ma'am", sabi ko."Alis na ho ako", paalam ko saka lumabas ng room. Pero bago ako lumabas ng room, nakita ko pa ang naawang tingin nya sakin kaya naman napabuntong-hininga ako.

Instead na bumalik sa room,nagtungo ako sa canteen para kumain.

I ordered Carbonara Pasta and one box of pizza medium size,and water.

Libre ang mga pagkain dito sa academy,kahit anong oras dahil kasama sa tuition fee na binabayaran namin ang pagkain.

Mag-isa akong kumakain nang may biglang yumakap sakin mula sa likod. Agad siyang umalis sa pagkakayakap sakin at naupo sa may harapan ko.

"Kuya, I didn't know na nandito ka?", she said.

"Yeah, I never said to anyone", sagot ko,ngunit wala sa kaniya ang paningin ko. Kaya naman nilingon niya kung saan ako nakatingin.

"Nalulungkot ka na naman? Wag mo na kasi silang tingnan", sabi niya sakin, at pilit na tinatakpan ang mag-ina, mentor and student.

"Ano kayang pakiramdam ng merong nanay,.no?", mapait na tanong ko.

Catastrophe for Loving You(Season 1)Where stories live. Discover now