Zhy's POV
"Haya, tara na!", yaya ni Reine dito sa katabi ko.
"Bilhan mo na lang ako", sabi naman nito habang nasa libro ang paningin.
"Ano bang gusto mo?Pizza?", tanong ni Reine dito.
"Sure", sagot lang nito habang nasa libro pa rin ang paningin.
"How about drinks?Tubig na lang ba?"
"Sure"
"Magkanin ka kaya?"
"Sure"
"May dessert ba?Cake?"
"Sure"
What?Seriously?
"Stop saying sure!Will ya?!!!", inis na sigaw ni Reine.
"Su-", hindi naituloy ng lalaking to ang sasabihin nya, dahil kinuha na ni Reine ang librong binabasa nya.
"Hey!Nagbabasa ko eh!", masungit na singhal nito.
"Ano ngang gusto mo?"
"Yung libro", turo nito sa libro.
Halos mapa-face palm ako dahil sa naging sagot nito.
Baliw din?
"Pagkain kasi!"
"Ramyeon kung meron, tteokboki din kung meron, dagdagan mo na rin ng carbonara pasta, and pizza. Two bottled mineral water and two bottled milk"
"Ang dami naman!", angal ni Reine.
"Nagtanong ka eh"
"Kaya mo bang ubusin lahat yon?"
"Dito ka naman kakain di ba?"
"Sabi na eh!", angil ni Reine."Sana hindi ka na lang nagpunta dito!"
"Nandito na ko eh!
"Oh, bahala ka dyan!", ibinato ni Reine ang libro sa lalaki na nasalo naman nito.
"Pwede nyo ba kong samahan?", tanong nya kila Ellise, saka bumaling din samin.
"Oo naman", sagot ko.
"Thanks, Zhy", masayang sabi nya.
"Eh, paano to?Hindi ba sya sasama?", turo ko sa lalaki.
"Pabayaan nyo yan, may sapak yan!Baka sigawan lang nya ang mga server sa canteen kapag naghintay sya ng matagal", mahabang sabi ni Reine. "Tara na"
Agad naman kaming sumunod sa kanya patungo sa canteen.
"Don't tell me na boyfriend mo yun Reine?", tanong ni Ellise habang naglalakad. "Paano na si Zeroine?"
"Anong paano na si Zeroine?", takang tanong ni Reine. "At saka wala akong boyfriend!"
"Eh, sino nga yung lalaking yon?"
"Basta!"
"Puro ka naman sekreto eh!"
"Wag ka na ngang mag-drama dyan"
Pagpasok namin sa canteen ay dumiretso agad kami sa pila.
Mabuti na lang at mabibilis ang mga servers dito, at isa pa walang bayad ang mga pagkain dito dahil kasama na ang bayad sa tuition fee.
Nang maka-order na kami ay lalabas na sana kami sa canteen, kaso hinarangan kami ni Zachary at ng mga tuta nya.
"Ano na naman to ha?Sandoval?", pagtataray ni Rachel.
YOU ARE READING
Catastrophe for Loving You(Season 1)
RandomTwo people who are unexpected to fall in love with each other.It is good or bad?