Have you ever wondered why people love to take photos? Photos are like remnants of the past—sometimes blissful, sometimes painful. Here I am, back in this old museum. My comfort, my escape.
I snap photo after photo until I'm satisfied. Nakangiti akong nakatutok sa lens grabe, hindi ko maalis ang tingin ko sa ganda nito. Ilang taon na rin ang lumipas pero andito pa rin, maganda pa rin. Kung ganito kaganda sa labas, paano pa kaya sa loob?
Napabuntong-hininga ako. Two years. Ang tagal na rin pala. Natawa ako nang mahina, sabay sabing, "Ang bilis ng panahon, noh?"
Simula nang bumalik ako sa Pilipinas, ito talaga ang unang lugar na gusto kong puntahan. Ang daming nagbago, yet somehow, the feeling remains the same. Itinago ko ang camera ko sa sling bag at pumasok sa loob ng museum. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng pamilyar na katahimikan.
Ah, gustong-gusto ko ang katahimikan ng museum. Pati 'yung faint smell ng luma at antigong libro. Heaven.
Dati, noong estudyante pa ako, halos araw-araw akong tumatambay dito. Hindi ko rin alam kung bakit, pero parang nahanap ko dito ang tahimik kong sulok ng mundo. Madalas sabihin ng mga tao na weird daw ako, kasi bakit ko raw pinili ang tambayang 'to imbes na gumala kasama ang iba? Pero may kakaibang comfort akong nararamdaman dito, parang may kalmadong yakap na nag-aanyaya sa 'yo magpahinga.
Siguro dahil walang ingay? O dahil dito ko lang nagagawang magpakawala ng mga emosyon ko nang walang pakialam sa ibang tao.
You know what I love most about museums? They feel like a secret home to me—walang judgment, walang pressure, at walang humuhusga.
Naglibot ako tulad ng nakasanayan. Paborito kong umikot dito, parang kinakausap ko ang bawat painting at eskultura. Hanggang sa makarating ako sa isang pamilyar na painting na parang humigop ng lahat ng atensyon ko.
Andito pa rin pala. Pareho pa rin, walang nagbago. Pinagmasdan ko ito nang tahimik. Ang daming alaala ang bumalik, pero bago ako tuluyang lamunin ng nakaraan, nagpasyang akong ituloy ang pag-ikot.
Habang naglalakad, bigla akong nakalanghap ng pamilyar na amoy ng pabango. Napahinto ako sa gitna ng hallway, sabay lingon sa pinanggalingan ng amoy. Kilalang-kilala ko ito. Hindi puwedeng... Binilisan ko ang mga hakbang ko palayo, pero isang mahigpit na kamay ang humawak sa aking pulso.
"Meera?" Yung boses na 'yun, hindi ko pwedeng kalimutan.
Humarap ako sa kanya, sa taong hindi ko inakalang makikita ko ulit. Rios. Ang mga mata niyang kay tindi, parang kay daming gustong sabihin. Matangkad, may matikas na porma, at nagdadala ng pamilyar na kaguluhan sa dibdib ko. Napangiti siya, at bago pa ako makatanggi, bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Amoy ko agad ang pamilyar na pabango.
"Rios..." Ramdam ko ang tibok ng puso ko habang naririnig ko ang pangalan niya mula sa labi ko. Hinigpitan pa niya ang yakap, parang gusto niyang bawasan ang dalawang taon ng paglayo. Halos hindi ako makahinga sa higpit ng yakap niya, pero hindi ko rin magawang kumawala. Nakangiti akong lumayo nang kaunti.
"Hoy, tama na! Hindi na ako makahinga!" Natatawa siyang bumitaw, pero bago pa ako makalayo nang tuluyan, ginulo niya ang buhok ko.
"Ano ka ba, parang aso!" Sinubukan kong ayusin ang ginulo niyang buhok habang natatawa siya, parang walang nangyaring dalawang taon ng paglayo.
"So, kamusta naman ang Meera ko?" may kilig pa rin sa boses niya. Pati na rin sa puso ko. My Meera. Hindi pa rin nagbabago ang tawag niya sa akin.
"Okay naman ako," sagot ko, pero alam kong hindi ko siya mapapaniwala. Nakita ko sa kanyang mga mata ang kakaibang kislap, yung tipong hindi mo alam kung natutuwa o nag-aalala.
Tumango lang siya, pero may malalim na katanungan sa kanyang mga mata. Alam kong pareho kaming may gustong itanong, pero parang natatakot kami sa magiging sagot.
Tahimik kaming lumabas ng museum, naglalakad sa paborito naming daanan. Hanggang sa bumitaw siya sa katahimikan at tinuro ang isang parte ng daan.
"Naalala mo dito ka nadapa dati?" Tumawa siya habang tinuturo ang eksaktong lugar kung saan ako napahiya ng todo. Nangyari iyon nung high school pa kami, yung unang beses siyang naging 'knight in shining armor' ko.
Bigla ko ring naalala ang kahihiyan. Nadapa ako sa gitna ng daan, hindi pa ako makatayo dahil sa sakit ng paa ko. Naalala ko pa yung mga mata ng mga taong nakatingin, pati na rin yung traffic na nagawa ko. Nakakahiya! pero mabuti na lang, dumating si Mr. Stranger. Wala siyang inaksayang oras—binuhat niya ako papunta sa clinic habang ako naman ay halos humahagulgol sa sakit. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya, kahit na hindi ko siya kilala.
Pagdating namin sa clinic, nagpasalamat ako sa kanya, pero umalis siya nang wala man lang paalam. Habang kinagat ko ang labi ko para labanan ang kirot ng sugat, patuloy lang ang pagtulo ng luha ko. Naiisip ko na baka hindi na ako aabot sa unang klase ko, paano na kung may quiz kami ngayon? Ngunit biglang bumukas muli ang pinto, at bumalik siya, may dalang maliit na paper bag.
"Hi," bati niya, at may inaabot siyang bag. Bakit siya bumalik?
"Dinalhan kita ng ice cream. Please, huwag ka nang umiyak," sabi niya ng malumanay, at lumapit siya para punasan ang luha ko. Nagulat ako pero nawala rin ang pag-aalala ko nang makita ang laman ng paper bag. Magnum—ang paborito kong ice cream!
"Masarap 'yan, promise!" Sabi niya nang masigla habang binubuksan ang takip ng Magnum. Inabot niya ito sa akin na parang excited na excited.
Habang kinakain ko ang ice cream, bigla siyang lumapit at bumulong, "You remind me of someone."
Natigilan ako. Tinapos ko ang ice cream, at ngayon ay nakatingin ako sa kanya. He is tall and handsome, with that effortless confidence and a golden retriever aura. Sa bawat detalye ng itsura niya, from his expensive necklace to his warm smile, alam kong hindi siya ordinaryong tao. Pero bakit niya ako tinulungan? Hindi ko siya kilala, ni hindi ko alam ang pangalan niya.
"Sino?" Tanong ko, pero nginitian niya lang ako. Iba ang epekto ng ngiti niya, mas lalo siyang gumwapo. Hindi niya sinagot ang tanong ko imbes, tinanong niya ako kung maayos na ba ako. Tumango lang ako habang tahimik siyang tinitingnan, parang nagmamasid ng isang kakaibang art exhibit. Hindi ko namalayan, pero gumaan ang pakiramdam ko. Nagpaalam siya na kailangan na niyang umalis para sa klase niya.
Akala ko iyon na ang huling beses na makikita ko siya, pero nagkamali ako.
•••
YOU ARE READING
Our Fleeting Glances
RomanceAfter abandoning everything, Ameera Calypse returns to her beloved museum, seeking refuge in the past. But as she wanders the familiar halls, she stumbles upon the man who once captured her heart. Side by side, they walk through the exhibits, memori...