Kasama ko ngayon ang mga bagong kaibigan ko. Hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang pagsosocialize! Nakilala ko sila anim na buwan na ang nakakalipas. Mahiyain ako noon, pero kung hindi dahil kay Rios na palaging nagtutulak sa akin na lumabas sa comfort zone ko, malamang hindi ko sila makikilala.
"Meera, you look amazing today! Uy, ano, may inspirasyon ba 'to? Si Rios, noh?" pang-aasar ni Van, sabay kindat.
"Baliw! Wala!" sagot ko, pinipilit magpigil ng tawa. Ang hilig talaga nila akong biruin tungkol kay Rios.
"Talaga? Eh bakit halos araw-araw mo siyang kasama? Sigurado ka, walang something sa inyo?" dagdag ni Berry, nakataas ang kilay at mukhang nangungulit pa.
"Wala nga!" sagot ko ulit, medyo mas matigas na ang boses ko.
"Sayang! Bagay pa naman kayo," singit ni Van, malanding ngumiti na parang alam na niya ang hindi ko pa inaamin sa sarili.
"Galing ka na naman sa museum, ano? Parang weekly ka na lang nandun," tanong ni Berry habang iniaabot sa akin ang fruit shake ko.
"Yeah, gusto ko lang mag-isip. Nakakarelax kasi dun," sagot ko, pilit iniwasan ang tingin nila.
"Oh, may bumabagabag ba sa 'yo?" tanong ni Van, mukhang curious. Hindi ako sumagot, imbes ay tinignan ko ang phone ko. Tinitingnan ko kung nag-reply na si Rios sa message ko.
"Meera, nahulog ka na, ano?" biglang tanong ni Berry. Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung paano sasagutin.
"Kahit hindi mo sabihin, halata naman. Alam kong nahulog ka na," sabi ni Berry, ngumiti siya na parang nanalo sa isang laro.
"No, I'm not," matigas kong sagot, pero kahit ako ay parang hindi naniniwala.
"Sige, itanggi mo pa," sabi ni Van, nakangisi. "Pero halata sa 'yo, tol! Nahulog ka na talaga."
Malalim akong bumuntong-hininga. Tumingin ako sa phone case ni Van na may star design.
"Alam mo ba, Asterios means star," sabi ko, biglang naging seryoso.
"Para siyang bituin, ang hirap niyang abutin, pero ang dali niyang mahalin," I said, as I raised my hand to the sky. Sinubukan kong takpan ang araw na parang bituin gamit ang palad ko, kahit na alam kong hindi ko talaga maaabot.
"Siya ang dahilan kung bakit nagawa ko ang mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ko. Hinila niya ako palabas ng mundo kong madilim. Binuksan niya ang puso ko sa pagmamahal na matagal ko nang hinahanap." I smiled as I dropped my hand back to my side, facing them.
"He showed me the unexpected closeness, friendship. Tinuruan niya akong tanggapin kung sino ako, kung sino si Ameera."
"You've learned a lot, Meera," sabi ni Berry, humawak siya sa kamay ko, sinundan ni Van, at sabay silang ngumiti sa akin.
"At higit sa lahat, mas naging totoo ka sa sarili mo," dagdag ni Van. They squeezed my hands, and for the first time, I felt completely seen and understood.
Alam kong kahit anong mangyari, kasama ko na ang mga kaibigan kong ito. Kaya kahit anong hirap, kaya ko na, dahil alam kong hindi na ako mag-isa.
•••
![](https://img.wattpad.com/cover/380843397-288-k318028.jpg)
YOU ARE READING
Our Fleeting Glances
عاطفيةAfter abandoning everything, Ameera Calypse returns to her beloved museum, seeking refuge in the past. But as she wanders the familiar halls, she stumbles upon the man who once captured her heart. Side by side, they walk through the exhibits, memori...