Chapter 6

6 2 1
                                    

Shaila Monteza, fiancée ni Rios. Nginitian ko siya. Ang ganda niya, at para akong nasisilaw sa kanyang kagandahan. Masyado silang perpekto ni Rios, at sa puntong ito, alam ko nang bagay na bagay sila sa isa't isa.

Akala ko kukuha lang siya ng libro, pero 'di ko inaasahan na tatabi siya sa akin.

"Is it okay to sit here?" tanong niya nang malumanay habang nakangiti. Para siyang anghel.

"Yup," sagot ko, pilit na pinipigilan ang kaba sa dibdib ko. Pinagmasdan niya ako, at napansin ko ang tahimik niyang pagsusuri.

"You're lovely," sabi niya, at nagulat ako sa kanyang papuri.

"T-thank you... you are?" sagot ko, medyo atubili, hindi alam kung paano haharapin ang sitwasyong ito.

"Shaila, but just call me Shai," sabi niya, iniabot ang kanyang kamay. Kinuha ko ito at nagngitian kami. The warmth of her touch felt sincere, but it only made the ache in my heart sharper.

"Ameera," pakilala ko, pilit na hinahanap ang aking ngiti kahit ang sakit ay nagsisimulang bumigat.

"A princess needs a knight, and you got the best knight," dagdag niya, ang mga salita niya'y parang kalabit sa sugat ng puso ko. Knight? Alam kong si Rios ang tinutukoy niya, pero bakit pakiramdam ko'y masyadong mabigat ang sinabi niya?

"Actually, I noticed you looked so sad earlier, but look at you now. Smiling so pretty," sabi niya, habang pinagmamasdan ako na para bang alam niya ang nararamdaman ko. There was something familiar in her eyes, a sadness that mirrored my own.

"He's a good guy, and a great best friend," sabi ko, pero may sakit sa bawat salitang binibitawan ko.

"Shai, do you miss him?" tanong ko, iniwas ang tingin, ngunit sabik na malaman ang sagot.

"No, at wala akong balak kausapin siya. I still need time for us," matigas niyang sagot, at napansin kong tumango ako habang unti-unting bumubuo ang sakit sa puso ko.

Rios, bagay na bagay kayong dalawa. Parang namali ata ng tama si Cupido, kasi sa puso ko pa siya tumama. Rios, all you need to do is to be happy, at handa akong bitawan ka. Pero kung makita kitang nasasaktan, at hindi mo na kaya... isasama kita at tatakas tayo.

"Please take care of him, Ameera," dagdag ni Shai, ang mga salita'y tila mabibigat na bato sa dibdib ko. "I trust you."

Tumango ako, ngunit sa loob ko'y alam kong hindi ko siya mapapangako na kaya kong protektahan si Rios sa sakit. Pero alam ko na kahit papaano, susubukan ko hangga't kaya ko.

***

Nagkita kami ng mga kaibigan ko sa coffee shop, at nakatitig lang ako sa kape ko, parang wala akong gana. Gusto ko na lang matulala sa mga iniisip ko.

"Oh, anong nangyari?" tanong ni Van, pinasimulan ang usapan.

"Ang bait niya, and we already talked," sabi ko, tumingin pa rin sa aking kamay.

"Hindi mo ba ilalaban?" nakatulala akong sagot.

"Para saan pa? Mahal niya siya." sagot ko, halos pabulong. "At anong magagawa ko? Putulin, burahin, kahit anong paraan... basta mawala itong nararamdaman ko. 'Wag natin pilitin ang 'di kaya."

"Alam ba niya?" Tanong ni Berry. Napakagat ako sa labi. Hindi niya alam.

"Pero sa tingin ko, may nararamdaman siya sa'yo. Parang iba ang tingin niya sa iyo," sabi ni Van, na puno ng pag-aalala.

"Lagi ko kayong nakikita na magkasama, at recently nakita ko kayo sa museum. Grabe! Almost parehas kayo ng hobbies! Nakakatuwa kayo panoorin," dagdag pa ni Berry. As if pointing out the similarities could make the pain go away.

Ha, pinapangarap kong makasama siya. Pero lahat ng pangarap na iyon ay parang kathang-isip na lang. How I wish this would be my last time.

"Kailan kaya darating ang panahon na kailangan kong sabihin, 'one last time?" Tanong ko sa sarili. Hindi pa ngayon, pero nararamdaman ko, malapit na.

"May time na nakita ko si Asterios na nakatingin sa'yo, parang kumikislap ang mata niyang pinapanood ka. He even cheered for you, and I just know that day, kahit may importanteng bagay siya, pinili pa rin niya ikaw," sabi ni Berry, nag-aalala sa nararamdaman ko.

"Para siyang nahulog sa'yo Ameera" dugtong ni Van.

I already sent him signals that I like him, but he chose to be blind.

Habang naglalakad kami sa campus, bigla akong napatigil nang makita ko si Rios na nakatayo sa ilalim ng puno. Nakita kong nag-usap sila ni Shai, at ang saya-saya ng mga ngiti nila. I was glad they're now okay.

Maya-maya, napansin kong hinawakan ni Rios ang kamay ni Shai, at tila naglalakad sila papalayo. Ang bawat hakbang nila ay tila nag-iiwan ng sugat sa puso ko.

"Rios," I whispered to myself, but no sound escaped my lips. The pain felt as if it were compressing my heart, and I struggled to catch my breath.

Still, I followed them.

•••

Our Fleeting GlancesWhere stories live. Discover now