Simula

108 24 16
                                    

Nagkabestfriend ka na ba na laging nanjan para sayo? Suportado ka sa lahat ng bagay, Laging kasama mo mapakulitan, katarantaduhan at kalokohan, Na unang dadamay sayo kapag may problema ka, unang lalapitan mo kapag may kailangan ka at unang makakaintindi sayo.

Ako, oo nagkabestfriend ako.. Siya si James Guevarra ang makulit na makulit kong bestfriend -slash- lihim kong minamahal. Yes! i love him pero hindi niya alam. ayokong masira yung pagiging magbestfriend namin ng tumagal ng 5years. ang tatag noh ? Hahaha! ganyan kami eh :) Hearttrob siya sa school na pinapasukan namin :) well bukod sa gwapo, chinito, mayaman at may ari ng school na pinapasukan namin. Isa din siya sa sikat na basketball player sa school namin :) nakakagulat ba na isang basketball player eh bestfriend ng isang simpleng babaeng mahirap lang? yes mahirap lang ako. Inaamin ko yun, simula kasi nung iniwan kami ng papa ko at nalugi ang kompanya nawala na lahat ng ari arian namin. Namatay ang daddy ko dahil sa isang car accident, sa sobrang nakainom si papa dahil sa problema ayun! nagmaneho parin siya at bumangga sa paparating na truck. kaya si mama at kuya na lang ang kasama ko sa buhay. Si mama nagtatrabaho bilang teacher sa school na pinapasukan ko. si kuya naman ay nagaaral habang nagpaparttime job sa isang restaurant na pagaari ng pamilyang Guevarra. Si james ang tumulong sa mama at kuya ko para mabuhay kami. Kaya malaki ang utang na loob ko kay james at sa magulang niya.

Ako nga pala si Ericka Shaine Velasquez.. 17 years old, simpleng babae na walang kaarte arte sa katawan. Simple sa lahat ng bagay at walang ibang inisip kundi mag aral! Boyfriend? Wala ako niyan, pero kung tatanungin niyo ko kung nagkaboyfriend na ko? Oo :) Hahaha! ang galing nga eh. Niloko lang ako. Nakita ko kasi siyang may kaholding hands tapos nung tinanong ko siya kung ano niya yung babae sabi niya Kaibigan lang daw! hindi naman ako tanga eh. Alam kong sila nung babaeng yun. Iniyakan ko siya that time. kaya nung time na yun kami nagkakilala ni james! Oh diba? Hahaha naging broken man ako, atleast meron naman lalaking dumating sa buhay ko na handang maging kaibigan ko. na hindi ko alam na mamahalin ko rin pala.

Sa araw araw na pagsasama namin ni james unting unti din akong nahuhulog sa kaniya. Siguro dahil sa efforts niya na ginagawa bilang magbestfriend kami, sa trabaho na binigay niya sa mama at kuya ko para lang mabuhay kami. Siya kasi yung lalaking hindi mahirap mahalin. Matulungin siya sa lahat kaya madaming babaeng nahuhulog sa kaniya.

Pero sa bawat paglalim ng nararamdaman ko para sa kaniya. may mga bagay din pala akong dapat tanggapin. mga pangyayaring alam kong masasaktan ako ng sobra na dapat kong paghandaan. Mga pagsubok na kailangan kong paghandaan at tanggapin sa huli.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon