ERICKA'S POV
Maaga pa lang kumilos na ako para maaga pumasok. Naalala ko kasing Friendship anniversary namin ni Tangkad eh. si tangkad nga pala yung bestfriend kong si james. May usapan kasi kami eh
bumaba na ako para kumain ng makita ko si mama
"Hi ma!" bati ko at kiniss siya sa pisngi
"oh anak ang aga mo ata ngayon? naunahan mo pa ko ah!"
"eh ma may usapan po kami ni james eh"
"kaya pala eh! oh sya kumain ka muna bunso"
pinaghain ako ng pagkain ni mama
"Good morning ma! Good morning bunso" si kuya... pababa siya ng agdan at nakabihis na din
"oh ang aga mo din kuya? may lakad ka?" tanong ni mama
"ah opo ma! maaga pasok ko eh. gawa ng may tatapusin pa ko sa school" nga pala. president din si kuya ng 4th year student. Inaaasikaso niya yung mga kailangan para sa christmas party
"bunso sumabay ka na kay kuya ah! para hindi ka na mamasahe" hindi porket naghihirap na kami ay wala na kaming kotse. syempre hindi naman lahat ng ari arian namin nawala. nakapagtabi din kami kahit papano
"oh sige kuya" sagot ko
"ma ikaw din sumabay ka na samin"
"nako! anak madami pa akong kailangan ayusin dito sa bahay kaya maghahalfday na lang ako" sagot ni mama
"nako ma, wag mo masyadong pinapagod ang sarili mo at baka atakihin ka" pagaalala ko
"oo anak wag mong intindihin ang mama. kaya ko naman" sagot niya
hindi na ako sumagot at nagsimula na kaming kumain
matapos ang ilang minuto natapos na kami at napagdesisyonang pumasok na
pasakay na kami ng kotse ng biglang magsalita si mama
"oh gerald! ayusin mo ang pagmamaneho ha! dahan dahan lang at ikaw eka. Magaral ng mabuti ah" bilin ni mama. ganyan lagi siya araw araw
"yes ma! bye" tsaka ko tuluyang sumakay sa kotse
"mag'ingat kayo ha!" sabi ni mama
inistart na ni kuya yung kotse at umalis
tahimik lang kami ni kuya sa byahe hanggang makarating ng school, pinark na ni kuya yung kotse sabay nagsalita
"Bunso, sasamahan mo ko mamaya sa bookstore ah! madami akong kailangang bilhin"
"oh sige kuya! puntahan na lang kita sa office mamaya" sagot ko
Si kuya gerald kasi minsan kinakatulong din siya ng mga teachers at principal. siya ang pinaka pinagkakatiwalaan dito kaya sa kanya din naguutos. Kaya nga proud na proud ako sa kuya ko eh. Siya na kasi ang tumayong padre de pamilya sa bahay simula nung nawala si papa. siya ang umako ng mga responsibilidad sa bahay. ayaw kasi ni kuya na masyadong pinapagod ni mama ang sarili niya dahil may sakit ito sa puso. pero mild lang naman..
naglakad na kami ni kuya sa hallway. malapit na kami sa office ng biglang magsalita si kuya
"oh bunso dito na ko ah? kaya mo na sarili mo hindi ka na bata!" natatawa niyang sabi at ginilo ang buhok ko
"kuya naman! sige na babye kuya. kita ulit tayo mamaya" sagot ko sabay kumaway
habang naglalakad ako papuntang cafeteria bigla kong nakita si Chelsea
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Short StoryHindi lahat ng storya perpekto, minsan komplikado, minsan malungkot , minsan masaya, minsan iiyak ka, matatamaan ka at iba pa. Parang lovestory. BESTFRIEND... halos lahat ng lovestory jan nagsisimula. Yung tipong bestfriend lang ang turing niya say...