Nung dumating siya sa buhay ko, Masayang masaya ako. Siya yung taong tumulong sakin magmove on, kung paano maging masaya ulit, na hindi mo kailangan kalimutan lahat ng alaala na kailangan mo lang tanggapin na wala na talaga siya. Nagawa ko lahat ng yun nung dumating siya. Kaya siguro ako unting unting nahuhulog sa lalaking to.
Si james kasi yung lalaking matulungin, mapagbigay at malakas na tao. Matulungin kasi lahat ng makita niyang nahihirapan tinutulungan niya ng hindi naghihintay ng kapalit. mapagbigay kasi wala siyang hinihiling na kahit ano sa pamilya niya. ang gusto niya kung may ibibigay man sa kanya kung ano man yun ay sasabihin niya na sa kapatid na lang niya ilaan.Malakas na tao kasi kahit anong hirap na maranasan niya, kahit anong pagsubok ang pasukin niya dinadaan niya lang sa ngiti. ayaw niya kasing may nasasaktan, ayaw niyang may umiiyak. Siya yung lalaking gusto niya laging nakangiti lahat ng tao sa paligid niya.
Minahal ko siya kasi hindi siya mahirap mahalin, Minahal ko siya kasi ayun yung naramdaman ko. Pero dahil mas importante ang friendship namin. Kinailangan kong itago muna yung nararamdaman ko. Ayokong masira yung pagiging magBestfriend namin. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag nangyari yun. Hindi ko kakayanin pag nawala sakin tong lalaking to
"Hey? ang lalim ng iniisip natin pandak ah! Hugot na hugot ba?" tanong niya sakin habang nagmamaneho siya
"wala to tangkad. Tangkad may tanong ako sayo"
"Ano yun?"
"Sa tingin mo ba walang magbabago sating dalawa? Yung tipong Forever na talaga tayo? i mean Forever bestfriend? Kasi James......natatakot ako"
"Natatakot na?"
"Na one day marealize natin na kailangan na pala natin maghiwalay. na hindi na natin kakailanganin ang isa't isa. Na hindi na natin kailangang maging magBestfriend"
"Hey? Ericka are you okay? what's wrong with you? Alam mo wag mong isipin yung mga bagay na ganyan okay? Kasi hinding hinding hindi mangyayari yan pandak! Tandaan mo yun okay?" sabay ngiti niya sakin
"Promise?"
"Promise pandak. mamatay man si Tongtong" (si tongtong eh yung favorite niyang aso) "kaya wag ka ng malungkot diyan ah! hindi bagay sa bestfriend ko. and remember? Ayoko ng may nalulungkot diba? Especially ikaw kaya ngiti ka na bili" sabay pacute niya
"Oo na tangkad" ngumiti ako kasi naman bakit ba ko nagkaroon ng gwapong bestfriend ^___^V
dahil sa super duper haba ng traffic napagdesisyunan namin ni James na kumain sa labas, nagjollibee muna kaming dalawa :D Favorite naming kainan yun eh ^____^V
habang kumakain kami nakita kong nakatitig yung dalawang babae kay James. Yung titig na halatang type nila si Tangkad
May naisip ako ....
"Babe! pagkatapos nito uuwi na tayo? para kasing nahihilo na ko eh"
tumingin siya sakin ng 'ha? anong babe?' look. tapos tumingin ako sa kanya ng 'sakyan mo. kundi patay ka sakin' look sabay tingin sa dalawang babae na dahilan din ng pagtingin niya dun sa dalawa at mukhang nagets naman niya
"ah babe" sabay hawak nung kamay ko "oo uuwi na tayo pagkatapos kumain. nagtext na din kasi si yaya na hinahanap na daw tayo nung anak natin"
hindi ko to inexpect. na sabihin niyang hinahanap kami ng anak namin
"Bwiset. akala ko girlfriend lang niya yung babae. Asawa na pala" girl 1
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Short StoryHindi lahat ng storya perpekto, minsan komplikado, minsan malungkot , minsan masaya, minsan iiyak ka, matatamaan ka at iba pa. Parang lovestory. BESTFRIEND... halos lahat ng lovestory jan nagsisimula. Yung tipong bestfriend lang ang turing niya say...