Nagising ako sa ingay na narinig ko sa baba. Tinignan ko kung anong oras na. 6:30am.
Nilagay ko sa bulsa ko yung cellphone ko. Tumayo ako at dali daling lumabas ng kwarto
Pagbaba ko nakita ko si Mama na nakahawak sa kaliwang dibdib niya at nakasalampak sa sahig
"Ma!" tumakbo ako papunta sa kaniya para alalayan siya
"KUYA! SI MAMA!!!" sigaw ko, pero hindi pa rin bumababa si kuya
paiyak na ko ng sumigaw ulit "KUYAAAAAAA! SI MAMA"
patakbong lumabas ng kwarto si kuya at halatang gulat na gulat. Tinabihan ako ni kuya
"Anong nangyari?" galit na sabi ni kuya
"Ewan ko, nakita ko siyang naggaganyan na" naiiyak kong sabi
"Ma, Ma kaya mo yan okay?" natataranta niyang sabi "Dadalhin ka namin sa Hospital okay?" binuhat ni kuya si Mama
lumabas kami ng bahay at isasakay si Mama sa kotse
"ERICKA BUKSAN MO YUN PINTO ANO BA!!!!" sigaw niya mas lalo akong nataranta sa sigaw niya
pagkatapos naming isakay si Mama sa kotse ay sumakay na din kami ni kuya at mabilis na pinaandar ang kotse
Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating kami ng hospital dahil malapit lang naman samin ito
binuhat ni kuya papasok ng hospital si Mama. Naiwan naman ako sa labas dahil hindi ko na kayang pumasok sa loob
"Diyos ko, wag niyo pong pababayaan ang Mama ko. parang awa niyo na" humagulgol na ko sa pag'iyak
nagulat ako sa tunog ng Cellphone ko
Incoming Call
Tangkad ♥"Hello?" sagot ko
[Pandak nasaan ka? susunduin pa man din sana kita]
"Na- nasa hospital a-ako. S-si Ma--ma ina--take"
[HA???? ANO???? TEKA NASAAN KAYO PUPUNTAHAN KITA!!!]
sinabi ko yung lugar kung nasaan kami at agad agad siyang pumunta
maya maya ay dumating na si James at natatarantang lumapit sakin
"Ano? Nasan si tita? Okay na ba siya? Ano bang nangyari?" nagaalala niyang sabi
"Ewan ko. Di ko alam. Pagbaba ko, nakita ko siya nakasalampak sa sa-sahig ta-tapos yu-yun hi-ndi ko na a-alam gagawin k-ko Ja-James" utal utal kong sabi dahil umiiyak ako
"Shhhhh. Tahan na okay? magiging okay din siya" niyakap niya ko
pumasok kami sa loob ng Hospital. Nakita namin si kuya na nakaupo sa waiting area. Nilapitan siya ni James
"Bro. Ano ng balita?" sabi ni James sabay tapik ng likod ni kuya
"Wala pa eh, di pa lumalabas yung Doctor"
Lumipas ang kalahating oras ay agad namang lumabas yung Doctor. Lumapit kami sa kaniya
"Doc, kamusta po ang Mama ko?" tanong ni kuya
"Well. Okay na siya. No need to worry. Masyado lang siyang napagod pero okay na, kailangan lang niyang magpahinga.. Bukas ay makakalabas na din siya"
"Jusko salamat sa Diyos. Maraming salamat Doc"
"Pwede na kayong pumasok sa Loob"
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Short StoryHindi lahat ng storya perpekto, minsan komplikado, minsan malungkot , minsan masaya, minsan iiyak ka, matatamaan ka at iba pa. Parang lovestory. BESTFRIEND... halos lahat ng lovestory jan nagsisimula. Yung tipong bestfriend lang ang turing niya say...