Nagising ako sa tunog ng phone ko. Agad kong kinuha ito at sinagot ito ng hindi na tinignan kung sino yung tumatawag
"Hello? Aga aga nambubulabog"
[Grabe ka girl! 10am na maaga pa ba yun?]
nagulat ako sa narinig kong boses...
"WAAAAAH.. Sorry tita Honey..."
[Okay lang. So anong oras kayo pupunta? 3pm start ng party]
"Hindi ko po alam kay James tita.. By the way Happy Birthday"
[Thanks dear. oh basta asahan ko kayo ah! Oh sya gora na ko.. Busy ang Lola mo. Hahaha. Bye]
Hindi na niya ko pinasagot
Tumayo ako at pumunta sa Banyo para mag toothbrush at maghilamos. Pagkatapos ay kinuha ko yung phone ko at bumaba
Teka? diba dapat nandito na sila kuya? Tsk.
Tinawagan ko si Kuya.. Agad naman niya itong sinagot
[Oh bunso bakit?]
"Akala ko umaga ang uwi niyo? Bakit wala pa kayo?"
[Extend daw hanggang mamayang hapon eh]
"Ah.. Kuya aalis nga pala ako mamaya. Birthday kasi ni Tita Honey eh"
[Oh sige. Papakainin ko lang si Mama.. Kumain ka na rin jan ah. Ingat ka jan sa bahay. Ilock mo pinto pag aalis ka na. I love you]
"Sige kuya.. I love you too"
Pinatay ko na yung tawag..
Ang sweet ng Kuya ko noh? Para siyang si Papa. Naalala ko nga dati pa umiiyak ako sa school may mga kaklase akong magsusumbong kay kuya tapos pupuntahan niya ko para alamin kung sino nagpaiyak sa akin tapos bigla niyang susugurin mapababae man o lalaki. Tapos nung time na sinaktan ako nung naging boyfriend ko. Binugbog niya yung lalaking yun. Ayaw niya kasing nasasaktan ako. Nagagalit siya kapag sinasaktan ako.. Kaya mahal na maha ko si kuya eh. Kahit na nagbago siya nung mawala si Papa.. Hindi ko siya masisisi kasi sobrang close sila ni Papa. Kaya imbis na magalit ako sa kanya. Inintindi ko na lang siya.
Pumunta ako sa kusina para magluto ng kakainin ko. Nagluto ako ng Bacon and Egg then Fried Rice.
Pagkatapos ng 15 minuto ay natapos akong magluto at nagsimulang kumain.. Susubo pa lang ako ng biglang may tumawag sa phone ko
Tangkad ♥
"hello?"
[Pandak halfday lang ngayon. Punta ko jan sa inyo!]
"Excited? umuwi ka muna para magbihis aba!"
[Hayst. Oo na! Hmm. Sige! Sunduin kita mamaya ah! Babush]
Bigla niya kong pinatayan. Bwisit yung Lalaking yun! Humanda sya sakin..
Dinial ko yung number niya. Sinagot naman niya agad ito
[Bakit Pandak?]
"Wala, Sige Bye"
Pinatayan ko siya. Hindi pwedeng ako lagi yung pinapatayan niya.
--
Fast Forward....
Namimili na ako ng isusuot ko ngayon.. Hindi ko alam kung ano ba isusuot ko kaya pinili ko yung dress na niregalo ni Papa noon para sakin. Kulay blue siya na simple lang.. Ayoko kasi ng masyadong magara kaya eto yung niregalo sakin ni Papa.
![](https://img.wattpad.com/cover/44920096-288-k332930.jpg)
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Short StoryHindi lahat ng storya perpekto, minsan komplikado, minsan malungkot , minsan masaya, minsan iiyak ka, matatamaan ka at iba pa. Parang lovestory. BESTFRIEND... halos lahat ng lovestory jan nagsisimula. Yung tipong bestfriend lang ang turing niya say...