Isang linggo ang nakalipas ng pumunta kami sa bahay nila James, wala namang masyadong nangyari nung time na yun kasi pagkagising niya nagyaya na agad siyang umuwi dahil baka gabihin daw kami sa daan. Traffic nga kasi diba?
Yung kwintas na bigay niya sakin ay palagi niyang chinecheck, kung suot ko ba o hindi. Sabi ko nga hinding hindi ko naman tatanggalin yun. sabi naman niya naninigurado lang daw, ayaw daw kasi niyang makalimutan ko siya. oh diba ? yan ang bestfriend ko !
Sabado ngayon, Death year anniversary ni Papa ngayon. Anim na taon na siyang wala, ang tagal tagal na pero ang sakit sakit pa rin talaga.
7:30 pa lang ng umaga, nagdesisyon na akong bumaba para kumain ng agahan
pagbaba ko, nakita ko na agad si Mama at Kuya na kumakain
"Good morning" bati ko sa kanila
"Good morning din bunso. Oh halika na dito ay sabayan mo na kaming kumain. Umupo ka na at ipaghahanda na kita ng pagkain" si Kuya. oh diba ang sweet ng Kuya ko? ^_____^ ganyan siya lagi.
umupo ako gaya ng sabi ni Kuya
biglang nagsalita si Mama
"Eka, Gerald death year anniversary ng Papa niyo ngayon. Mauna na kayong dumalaw sa kaniya. Madami pa kasi akong gagawin at kailangang tapusin kaya baka bukas na ako dadalaw sa kaniya"
nagsalita din si Kuya "Mama sabay na ako sayo bukas. may pasok ako mamaya sa restaurant eh, kailangan daw ng madaming tauhan dahil may darating na bisita si sir Erick" Yung sir Erick na sinasabi ni kuya ay yung Daddy ni James
"so Eka, ikaw na lang pala ang pupunta ngayon? dalawin mo yung puntod ni Papa at baka magtampo yun pag hindi mo dinalaw, sige ka! baka ikaw dalawin nun HAHAHAHA" pagbibiro niya
"para kang ewan Kuya! ang dami mong alam" inis kong sagot sabay inirapan siya
Sino naman isasama ko? ayokong pumuntang mag'isa dun.
pagkatapos nun, nanahimik na kami at kumain na. Masama nga kasing magkwentuhan kapag kumakain diba?
malapit na akong matapos kumain, nagulat ako ng biglang nag'ring yung cellphone ko. tinignan ko kung sino yung tumatawag
Tangkad ♥
anong kailangan nito ? -_-
"excuse me" pag eexcuse ko sa sarili ko, lumabas ako ng bahay para kausapin siya masamang makipag'usap sa harap ng hapag kainan no.
"Hello? what do you need?" pambasag ko
[huwaw! pandak ang ganda ng bungad mo ah, wala bang isang GOOD MORNING man lang jan? aga aga eh ang sungit mo! meron ka ba?] sabay tawa niya
"What the! Ano nga kasing kailangan mo?" inis kong sagot
[relax okay? diba deathyear anniversary ng Papa mo ngayon? tara punta tayo, dalawin natin puntod niya]
"TALAGA?" nagliwanag ang paningin ko nung sinabi niya yun! YES! may kasama na ako, Salamat talaga sa kaniya :D
[oo pandak. kaya kumilos ka na kasi on the way na ako. after 2hrs nandiyan na ako, nandito kasi ako sa bahay kaya medyo matatagalan. pagdating ko jan aalis agad tayo kasi sasamahan mo muna akong magmall]
"sige tangkad"
[oh sige bye na! see you]
magsasalita pa sana ako ng 'Sige tangkad ingat sila sayo' kaso bigla niya agad akong pinatayan! wanya yung lalaking yun. humanda talaga sakin yun.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Proză scurtăHindi lahat ng storya perpekto, minsan komplikado, minsan malungkot , minsan masaya, minsan iiyak ka, matatamaan ka at iba pa. Parang lovestory. BESTFRIEND... halos lahat ng lovestory jan nagsisimula. Yung tipong bestfriend lang ang turing niya say...