Kabanata 4

41 8 5
                                    

Bakit ganun? yung mga taong na hindi mo inaasahang darating sa buhay mo, sila yung dumadating. at kung sino yung ayaw mong mawala, sila yung mawawala. Katulad ni James. I never expect that he came into my life just because of my Ex. Siya pa yung tumulong sakin kalimutan lahat ng sakit na nararamdaman ko. Na nagmahal ako ng taong gagaguhin lang ako. Tama nga sila, Wag mong mahalin ang taong alam mong IIWAN at PAPAASAHIN ka lang. In the end, ikaw din ang masasaktan. sana ang love parang lapis na lang. para once na nagkamali ka pwede mo pang itama. pero hindi sa lahat ng oras pwede mong burahin ang lahat ng memories. Matuto din dapat tayong gumawa ng bagay na alam nating hindi tayo magkakamali. Especially sa LOVE.

Oo, madaming nagpapakatanga sa love. alam na nating niloloko tayo, pero hindi pa rin tayo gumagawa ng moves para maging bukas ang ating isipan sa ganun bagay. hindi naman kasi sa lahat ng oras nagpapakatanga tayo. At sana alam natin ang tama at mali. Ang dapat sa hindi dapat.

Alam kong marami sa mga tao ngayon ang nakaranas na ng nararanasan ko ngayon. Ang mahalin ang kanilang BESTFRIEND.. well hindi natin maiiwasan yan. Siya na laging nandyan kapag may problema ka. Unang taong malalapitan mo sa oras na kailangan mo ng makakausap. May mga magbestfriend na nagkakatuluyan, may magbestfriend din na M.U lang (Magisang Umiibig) Umaasa na magiging sila ng taong mahal nila :> Ako, naniniwala ako na sa LOVE hindi mo maiiwasang UMASA. kasi tignan niyo. may mga taong LDR na nagtatagal kahit magkalayo sila, May mga magboyfriend/girlfriend na kailangan munang hindi magkasama kasi may mga obligasyon sila. May mga nangangako na babalik sila. At may mga taong umaasa na babalik ang mga taong nangangako sa kanila. Hindi naman kasi lahat ng umaasa ay NASASAKTAN. Masyado lang nagpapadala ang mga tao ngayon sa maling akala.

Akala ko simpleng matalik na kaibigan lang ang turing ko kay James. na siya lang yung isa sa mga ituturing ko na kaibigan na walang kahit anong mararamdaman para sa kaniya. Na hindi ko inaasahang hahantong sa ganito. Magiging isa rin pala ako sa babae na magkakagusto sa kaniya. Pero sino nga ba kasi ako? Isang hamak na BESTFRIEND lang niya ako, yun lang wala ng iba. Ayoko kasi magexpect na porket pinapakilig o nagiging masyadong sweet siya eh may something na siyang nararamdaman para sakin. Kasi hindi pa naman niya nararanasan ang mainlove

He never fall inlove. YES. NGSB siya. Minsan nga tinanong niya ako kung ano daw ba pakiramdam ng mainlove! sabi ko depende sa taong makakaramdam niyan. kasi diba iba iba naman tayong makaramdam. Tayo lang ang nakakaalam kung inlove tayo o hindi. Pero alam niyo kung ano yung mas hiniling ko? Na sana sa oras na maramdaman niya yung maINLOVE, Sana sa akin na lang.. Ang korni ko diba? ganyan yung lagi kong iniisip. Pero alam kong malabong mangyari yun.

Anyway, yung kagabi ? ayun! pagkatapos ng dramahan namin ni Tangkad napagdesisyonan naming mag'stay ng mahabang oras. Sa mga oras na yun nakahiga lang siya sa lap ko at nagkwentuhan lang kami. 5years na kaming magkaibigan pero madami pa akong hindi alam sa kaniya. Tulad ng may dalawa pa siyang kapatid na babae, kaso nasa U.S. at madami pang iba.. Pagkatapos nun ay umuwi na kami...

Linggo ngayon, Kailangan kong magsimba dahil yun lagi ang ginagawa namin tuwing sunday. Baka magalit si Papa pag hindi ko ginawa yun.

Babangon na sana ako ng biglang nag'ring yung phone ko

Tinignan ko kung sino yung tumatawag....


Chelsea..

Hala? Bakit kaya? -___-


"Hello?" Sagot ko

[Eka! tara simba tayo. namiss ko na bonding natin dalawa eh]

"oh sige! anong oras?"

[Ngayon na, nandito na nga ako sa bahay niyo eh]

"Whaaat? Teka lang, kikilos lang ako. 20mins lang bye"

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon