Chapter 18 - First Fashion Show

30 2 0
                                    

~Ember Siren~

"Ember are you ready?" Kuya Summer asked while we are here at the backstage.

I can feel deadly glares from Astra na ngayon ay nasa harap ko lang.

"Yeah." Sagot ko at bahagyang iwinaksi ang kamay ni Kuya na nakahawak sa braso ko bago nilapitan si Astra na ngayon ay masasabi kong pinapatay na niya sa isip si Kuya Sum.

"Astra! You're here, kaya naman pala ayaw magpadikit ni Ember eh." Kamot ulong bati dito ni Kuya.

"Whether I am here or not you should not touch her." Astra coldly answered and snake her arms around my waist.

Walang tao masyado dito at medyo madilim kaya malaya siyang gawin yun.

"Sabi ko nga. Mauna na ako dun sunod ka na lang Ember." Nakangiting paalam ni Kuya na agad kong tinanguan dahil wala pa rin namang balak ang girlfriend ko na pakawalan ako.

"Good luck baby." Nakangiting sabi nito at hinalikan ako sa labi. Smack lang yun pero sapat na para mawala ang kabang kanina ko pa nararamdaman.

"I'll wait for you here. Galingan mo." Dagdag pa nito bago ako tuluyang bitawan.

"Thank you for supporting me."

"I'm always right here. Go na sunod ka na eh." Tumatawang taboy nito sakin kaya wala akong nagawa kundi iwan siya sa pwesto niya.

Alam ko naman kasing hindi siya aalis dun. Paglabas na paglabas ng isang model na susundan ko ay buong kumpiyansa akong rumampa sa entablado.

Sinalubong ako ng flash ng camera kaya wala akong ibang ginawa kundi lumingon dun habang rumarampa. May mga pagkakataong ngumingiti ako ng konti kapag sumenyas ang camera man.

Nang marating ko ang dulong bahagi ng entablado ay nag pose ako at ngumiti sa mga kaibigan kong nanonood. Oo, nanood talaga ang buong council ngayon dahil wala daw silang gagawin.

Nagbigay ako ng final pose bago tumalikod para bumalik sa backstage. May final ramp pa kami pero may ilang model pa naman na rarampa bago yun.

"Babe!" Masiglang tawag ko sa babaeng nakatanaw sa madilim na bahagi ng back stage.

"Baby." Halos pabulong lang na sabi nito at ngumiti sakin.

"I did it!"

"I know. Come here you deserve a hug." She open her arms widely kaya patakbo akong yumakap sa kanya. Hinalikan niya din ang ulo ko dahil matangkad pa rin siya sakin kahit pa nakaheels na ako.

"Tara samahan mo ko. May final ramp pa at kailangan kong magbihis." Yaya ko dito at hinila siya para makapagbihis na ako.

Hindi naman siya nagreklamo at nagpatangay na lang sa paghila ko.

"Miss Ember ito po ang susuotin mo." Pag-abot sakin ng staff ng damit na susuotin ko. Napakunot ang noo ni Astra matapos tingnan ang damit.

"Didn't you change the strap?" Kunot noong tanong pa nito na inilingan ng staff.

"Sabi po ni Miss Debbie ay okay na po yan." Magalang na sagot ng staff na mas ikinakunot ng noo ni Astra.

"What if it break down in the middle of the runway? Do you have plans?" Inis na tanong pa nito.

"Eh ma'am hindi naman po yan masisira eh." Depensa naman ng staff.

"How did you know? Did you try it already?"

"Astra. Tama na okay? Magtiwala ka." Pagpapakalma ko dito. Lumingon lang siya sakin bago dahan dahang tumango.

"Iwan mo muna kami Miss ako na ang bahala." Baling ko sa staff na halata na ang takot kay Astra. Maging ako naman natatakot sa awra ng girlfriend ko ngayon.

Adoring The Brightest Star (FreenBecky)Where stories live. Discover now