Chapter 28 - Confused

39 3 0
                                    

~Ember Siren~

"Jerold makikiabot nga nung pink na tela diyan sa lamesa." Pag-utos ko kay Jerold na siya pa lang katulong ko ngayon sa pagdesign ng tent. Wala pa kasi yung iba, si Astra nasa opisina pa daw niya.

"Jerold-

Napatigil ako sa pagsasalita ng may nag-abot na sakin ng tela. Nakatayo kasi ako sa ibabaw ng bangko para maabot ko ang mataas na parte ng tent. Magbebenta kami ng customize souvenirs and foods kaya madaming tent ngayon. Kami ang nakatoka sa souvenirs na siyang pinipick up ng lahat.

Pumatong ako sa armchair dahil hindi ko abot yung bandang taas. Safe ko naman siyang nagawa kanina kaya hindi ako kinakabahan.

"Be careful you might fall." Ani ng isang malamig na boses na ikinagulat ko dahilan yun para maout balance ako na muntik ko ng ikalaglag. Mabuti na lamang at naging maagap ang taong nanggulat sakin dahil nasalo ako nito.

"I told you to be careful." Masungit na sabi nito habang mahigpit pa rin ang hawak sa bewang ko. I can smell her strawberry perfume dahil sobrang lapit niya sakin. Kitang kita ko ang masungit pero maganda niyang mukha ngayon, kahit ganito ang awra niya masasabi kong may concern pa rin siya sakin.

Napakurap ako ng dalawang beses at dun ko narealize ang lahat. I stand straight and fix my shirt. Rinig na rinig ko naman ang pag tss nito bago inagaw sakin ang tela at siya ang gumawa ng trabaho ko.

"Aria ako na kaya ko." Pagpigil ko dito.

"Tss. It's Astra for you Miss Dewan." Masungit na sabi pa nito na ikinanganga ko.

"Sabi mo mga kaclose mo lang ang pwedeng tumawag sayo nun and we're not close."

Bumaba ito sa bangko at lumapit sakin as in sobrang lapit.

"Gaano ba kaclose ang gusto mo?" She said and lean closer to me. Ang lapit niyang masyado at halos isang pulgada na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng pisnge ko sa ginagawa niya alam kong nakita niya yun dahil sa biglang pag-ngiti niya.

Napaiwas ako ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman. Bakit ba ang lakas pa rin ng epekto nito sakin? Mas nagulat pa ako ng biglang lumapat ang labi nito sa labi ko, saglit lang yun pero sapat na para manlaki ang mga mata ko.

"You're so cute." She whispered and get back to her work.

"Ahhmm... Kunin ko lang yung ibang tela dun." Paalam ko dito dahil hindi ko kinakaya ang pakiramdam na nararamdaman ko ngayong malapit siya sakin.

"Dewan, Stay here." Pagtutol nito sa pag-alis ko. Ano bang trip ng babaeng to? Parang nung nakaraan lang inaway niya ako ah?

"Hand me the tacker please?" Utos nito kaya iniabot ko yun sa kanya. Tahimik lang niyang ginawa ang trabaho ko kanina hindi na niya kailangan pang pumatong sa armchair dahil abot na abot na niya yun. Edi sana all matangkad.

"Pres, pinapatawag ka ni Miss Hendrix." Anunsyo ng kararating lang na si Arch.

"Tell her I'm busy." Balewalang sagot nito. Teka yun yung school president diba? Pano siyang nakakatanggi sa taong yun?

"Pero-

"I told you to tell her I'm busy. Mahirap bang gawin?" Inis na sabi pa nito kay Arch.

"All of you can have a break now. Except you Dewan." Dagdag pa nito na ikinakunot ng noo ko. Parang ang unfair naman nun.

"Pres isasabay na namin si Ember kanina pa yan gutom eh." Pagtutol ni Jerold na lihim kong ikinapasalamat.

Astra raised her eyebrows and look at me.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 2 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adoring The Brightest Star (FreenBecky)Where stories live. Discover now